Mga pulis at raliyista nagkagirian sa Labor Day protest… — Transcript

Nagkagirian ang mga pulis at raliyista sa Labor Day protest sa Maynila, habang nananawagan ang mga manggagawa ng umento sa sahod at solusyon sa krisis.

Key Takeaways

  • Nagkaroon ng tensyon at gulo sa pagitan ng pulis at mga raliyista sa Labor Day protest sa Maynila.
  • Patuloy ang panawagan ng mga manggagawa para sa umento sa sahod at solusyon sa krisis sa presyo ng bilihin.
  • Hindi nakarating ang mga raliyista sa Mendiola dahil sa mga barikada ng pulisya.
  • May mga nasugatang pulis sa insidente, ngunit walang naaresto sa protesta.
  • Malawak ang suporta sa wage hike sa iba pang lugar tulad ng Baguio City at Bulacan.

Summary

  • Nauwi sa gulo ang Labor Day protest sa Maynila kung saan may panununtok ng isang lalaki sa pulis na nakuha sa video.
  • Nananawagan ang mga grupo ng umento sa sahod, pagbuwag sa oil deregulation law, at pagpapababa ng presyo ng bilihin.
  • Nagmartsa ang mga raliyista mula Welcome Rotonda patungong Mendiola ngunit naharang ng mga pulis ang daan.
  • Nagtapos ang programa ng mga manggagawa sa Recto Avenue nang hindi makapasok sa Mendiola.
  • Ayon sa labor groups, hindi sapat ang ayuda kung walang pangmatagalang solusyon sa krisis dulot ng sigalot sa Middle East.
  • Nagkaroon ng tensyon sa Kalaw Avenue nang kunin umano ng isang nagpoprotesta ang cellphone ng undercover police.
  • Isang lalaki sa hanay ng raliyista ang nakunan ng video na nanuntok ng pulis at tinutugis ng NCRPO.
  • Tatlong pulis ang nasugatan sa insidente, kabilang ang isang napilayan matapos tangkaing kuhanin ang riot shield.
  • Itinanggi ng Kilusang Mayo Uno ang paratang ng pulisya na sila ang nanggugulo.
  • Nagprotesta rin sa Baguio City at Bulacan para sa wage hike at national minimum wage na 1,200 pesos.

Full Transcript — Download SRT & Markdown

00:00
Speaker A
Nauwi sa girian ang protesta ng ilang grupo ngayong Labor Day. Nakuha pa ng video ang panununtok ng isang lalaki sa pulis sa Maynila.
00:15
Speaker B
Bitbit ang mga placard, nananawagan ng umento sa sahod, pagbuwag sa oil deregulation law at pagpapababa sa presyo ng mga bilihin ang iba't ibang grupo ngayong Labor Day.
00:28
Speaker C
Ang nagbago sa Labor Day ay mas hindi happy ang Labor Day ngayon. Mas lumala 'yung krisis ng sweldo, mas lumala 'yung krisis ng presyo.
00:37
Speaker B
Nagmartsa ang mga grupo mula Welcome Rotonda patungong Mendiola para sa kanilang programa.
00:45
Speaker B
Pero nadatnan nila ang nakabarikadang daan papunta roon.
00:49
Speaker D
Nagtataka kami ba't kailangan kami barikadahan kung pinating kami sa Mendiola, 'yun lang naman ang sasabihin namin.
00:55
Speaker E
Dati na po nating ginagawa 'to na 'yung dito sa may Claro M Recto ay may harang na po.
00:59
Speaker E
Ang sa ganoon ay ito po 'yung first line of defense at 'pag ito po 'yung na-breach nila ay may harang pa rin naman po.
01:48
Speaker B
Dahil hindi nakarating sa Mendiola, bandang alas-10 pa lang ng umaga, nagtapos na ang programa ng mga manggagawa sa Recto Avenue.
01:59
Speaker F
Ayon sa mga labor groups, bagamat nakakatanggap ng ayuda ang ilang sektor ng manggagawa, hindi anila ito magiging sapat kung hindi mabibigyan ng pangmatagalang solusyon ang gobyerno ang krisis bunsod sa sigalot sa Middle East.
02:16
Speaker F
Anila ang pinaka-apektado dito ay ang mga ordinaryong Pilipino.
02:19
Speaker B
Samantala, matapos ang programa sa Recto, nagpunta ang ibang grupo sa US Embassy para ituloy ang protesta.
02:30
Speaker B
Pero nauwi ito sa tensyon sa pagitan ng mga raliyista at mga pulis nang magpang-abot sila sa Kalaw Avenue.
02:40
Speaker B
Ayon sa pulisya, nagsimula ang tulakan nang kunin umano ng isang nagpoprotesta ang cellphone ng undercover police.
03:23
Speaker G
Yung pulis po natin nandito, peacefully nagdo-document, hinablot po. So ganyan po ba ang malayang pamamahayag, may kasamang pagnanakaw?
03:32
Speaker G
At galit po tayo sa magnanakaw.
03:33
Speaker G
Tayo rin mismo nagnanakaw.
03:34
Speaker B
Isang lalaki rin sa hanay ng mga raliyista ang nakunan ng cellphone video na nanuntok ng pulis.
03:46
Speaker B
Tukoy na umano ng NCRPO ang pagkakakilanlan nito at kasalukuyan nang tinutugis.
03:56
Speaker B
Sa impormasyon na nakuha ng ABS-CBN News, sangkot na rin umano ang lalaki sa gulo at pananakit ng isa ring pulis noong September 21 protest.
04:08
Speaker B
Nasa tatlo umanong pulis ang nasugatan dahil sa insidente, ang isa, napilayan umano matapos na tangkaing kuhanin ng mga nagra-rally ang kanyang riot shield.
04:18
Speaker B
Itinanggi naman ng Kilusang Mayo Uno ang mga paratang ng pulisya.
04:24
Speaker H
Sila ang pangunahin 'yung nanggugulo sa aming araw na ito ng paggawa.
04:59
Speaker B
Sa kabila nito, walang nangyaring pag-aresto at natapos ang mga kilos protesta bandang ala-1:30 ng hapon.
05:10
Speaker B
Sa Baguio City naman, ipinanawagan ng mga nagpoprotesta ang pagpapatupad ng 1,200 pesos na national daily minimum wage.
05:20
Speaker B
Sa video na ibinahagi ni Bayan Patroller Faith Rebaño, tinatayang nasa 200 tao ang dumalo sa kilos protesta ayon sa Baguio City Police.
05:31
Speaker B
Sa Bulacan naman, aabot sa 500 manggagawa mula sa iba't ibang bayan ang nagsagawa rin ng pagkilos para ipanawagan ang legislated wage hike na 200 pesos.
05:44
Speaker B
Job Manahan, ABS-CBN News.
Topics:Labor Dayprotestapulis at raliyistaumentro sa sahodkrisis sa presyooil deregulation lawMendiolaKilusang Mayo UnoBaguio City protestaBulacan manggagawa

Frequently Asked Questions

Ano ang pangunahing dahilan ng protesta ngayong Labor Day?

Nananawagan ang mga manggagawa ng umento sa sahod, pagbuwag sa oil deregulation law, at pagpapababa ng presyo ng mga bilihin dahil sa lumalalang krisis.

Bakit nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga raliyista at pulis sa Kalaw Avenue?

Nagsimula ang tensyon nang kunin umano ng isang nagpoprotesta ang cellphone ng isang undercover police, na nauwi sa tulakan at gulo.

Ano ang naging tugon ng Kilusang Mayo Uno sa mga paratang ng pulisya?

Itinanggi ng Kilusang Mayo Uno ang mga paratang na sila ang nanggugulo sa protesta at sinabing sila ang pangunahing nagprotesta sa araw ng paggawa.

Get More with the Söz AI App

Transcribe recordings, audio files, and YouTube videos — with AI summaries, speaker detection, and unlimited transcriptions.

Or transcribe another YouTube video here →