Publiko hinimok na paigtingin ang pag-iingat kontra sun… — Transcript

Payo ng mga bombero na paigtingin ang pag-iingat kontra sunog dahil sa pagdami ng insidente at paparating na El Niño.

Key Takeaways

  • Paigtingin ang pag-iingat kontra sunog dahil sa mas mainit at tuyong panahon dulot ng El Niño.
  • Iwasan ang overloading ng electrical outlets upang maiwasan ang sunog.
  • Bawal ang pagsisiga ng basura at tuyong dahon upang hindi mabilis kumalat ang apoy.
  • Maraming pamilya ang naapektuhan ng sunog kaya mahalagang maging handa at maingat.
  • Sunog ay pwedeng maiwasan kung may tamang kaalaman at disiplina.

Summary

  • Sunod-sunod ang mga naitalang sunog sa Metro Manila nitong mga nakaraang araw.
  • Payo ng mga bombero na paigtingin ang pag-iingat dahil sa paparating na El Niño na magdudulot ng mas mainit at tuyong kapaligiran.
  • Maraming pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa sunog, tulad ng mga insidente sa Quezon City at Taytay, Rizal.
  • Pinakakaraniwang sanhi ng sunog ay open flame at overloading ng mga electrical outlets.
  • Mula Enero hanggang Mayo 1, mahigit 8,000 sunog ang naitala sa buong bansa, mas mataas kumpara noong nakaraang taon.
  • Marso at Abril ang mga buwan na may pinakamataas na bilang ng sunog sa nakalipas na dalawang dekada.
  • Mas dumami ang forest, grass, at rubbish fires na sanhi ng pagsisiga ng basura at tuyong dahon.
  • Bawal ang pagsisiga upang maiwasan ang mabilis na pagkalat ng apoy lalo na sa tuyong damo at malakas na hangin.
  • Halimbawa ng matagal na sunog ay ang Navotas landfill na hindi pa tuluyang naapula dahil sa build-up ng methane.
  • Ang mga sunog ay pwedeng maiwasan kung may tamang kaalaman at kahandaan lalo na sa panahon ng El Niño.

Full Transcript — Download SRT & Markdown

00:00
Speaker A
Sunod-sunod ang naitatalang sunog sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila nitong mga nakaraang araw. Payo ng mga bombero, paigtingin ang pag-iingat lalo't may paparating na El Niño.
00:12
Speaker A
Ibig pong sabihin, mas mainit at magiging tuyo ang paligid na nagpapataas sa posibilidad ng pagsiklab ng apoy. Nagpapatrol, Rafael Bosano.
00:27
Speaker B
Mga trapal at tent muna ang nagsisilbing tirahan ng pamilya ni Editha kasunod ng pagkakatupok ng kanyang bahay sa Near Road sa Quezon City noong Marso.
00:38
Speaker B
Pero noong isang araw lang, muling nadagdagan ang kanyang mga kapitbahay sa bangketa matapos muling sumiklab ang panibagong sunog.
00:47
Speaker B
Batid ni Editha ang isa sa mga pinakakaraniwang dahilan ng sunog sa ganitong klaseng komunidad.
00:54
Speaker C
Yung ano daw po, over over pagsasaksak ng kuryente, yung mga ilaw, TV, aircon, cellphone, yung mga laptop, lahat sabay-sabay sa isang saksakan, sabay-sabay sila nagsasaksak.
01:53
Speaker B
Kahapon, dalawa pang sunog ang muling nirespondehan ng mga bombero. Sa Taytay Rizal, higit dalawampung pamilya ang nawalan ng tirahan.
02:10
Speaker B
Habang sa Barangay Payatas A sa Quezon City naman, umabot sa ikatlong alarma ang apoy na tumupok sa mga bahay ng may limampung pamilya.
02:25
Speaker B
Sa datos ng Bureau of Fire Protection, higit 8,000 sunog ang naitala sa buong bansa mula January 1 hanggang ngayong 1 ng Mayo.
02:36
Speaker B
Mas mataas kumpara sa halos 6,000 insidente ng sunog sa parehong panahon noong 2025.
02:46
Speaker B
Pinakakaraniwang sanhi ang open flame o yung mga naiiwan na apoy.
02:53
Speaker B
Electrical at yung mga baga at spark na karaniwan namang kumakalat at lumalaki.
03:02
Speaker B
Lumabas din mula sa datos ng BFP na sa nakalipas na dalawang dekada o mula 2005 hanggang 2025.
00:00
Speaker B
Sa mga buwan ng Marso at Abril, pinakamataas ang bilang ng insidente ng sunog.
03:20
Speaker B
Ganito rin ang lumalabas kung susuriin ang nakalipas na tatlo hanggang limang taon.
03:35
Speaker B
Pero sabi ng ahensya, mas marami ngayon ang forest, grass at rubbish fire.
03:42
Speaker D
Bawal ang pagsisiga. Kasi iwasan ang pagsisiga o pagsunog ng basura at tuyong dahon.
03:59
Speaker D
Dahil yung maliit na ningas o yung alipato ay mabilis kumalat sa tuyong damo.
04:06
Speaker D
At malakas na hangin kaya panatilihin natin malinis yung ating paligid.
04:12
Speaker B
Isa sa mga halimbawa nito ang sunog sa Navotas landfill na hanggang ngayon ay hindi pa rin tuluyang naapula.
04:20
Speaker E
Dahil summer siya.
04:24
Speaker E
Meron pong possibly it caused the ignition.
04:32
Speaker E
Kasi po meron na nga pong build up nung methane doon.
04:39
Speaker E
There's still on the ground suppressing the fire.
04:45
Speaker B
Ang mga sunog ay mga insidente na pwedeng maiwasan basta't may tamang kaalaman at kahandaan.
04:53
Speaker B
Lalo't mas mainit at tuyo ang kapaligiran bunsod ng inaasahang El Niño.
05:00
Speaker B
Rafael Bosano, ABS-CBN News.
Topics:sunogpag-iingatEl NiñobomberoMetro ManilaQuezon CityTaytay RizalpagsisigaNavotas landfillBureau of Fire Protection

Frequently Asked Questions

Bakit paigtingin ang pag-iingat kontra sunog ngayong panahon?

Dahil sa paparating na El Niño, magiging mas mainit at tuyo ang kapaligiran na nagpapataas ng posibilidad ng pagsiklab ng apoy.

Ano ang pinakakaraniwang sanhi ng sunog ayon sa Bureau of Fire Protection?

Ang pinakakaraniwang sanhi ay open flame o mga naiiwang apoy, pati na rin ang electrical faults tulad ng overloading ng saksakan.

Ano ang dapat iwasan upang hindi kumalat ang sunog sa mga komunidad?

Dapat iwasan ang pagsisiga o pagsunog ng basura at tuyong dahon dahil mabilis itong kumalat lalo na sa malakas na hangin.

Get More with the Söz AI App

Transcribe recordings, audio files, and YouTube videos — with AI summaries, speaker detection, and unlimited transcriptions.

Or transcribe another YouTube video here →