‘Expected na’? Chua, Ridon bumuwelta sa pahayag ng kamp… — Transcript

Tinalakay ni Chua at Ridon ang mga isyu sa pahayag ng kampo ni VP Duterte at ang mga ebidensyang ipinresenta sa House Justice Committee.

Key Takeaways

  • Walang ebidensyang ipinakita ang kampo ni VP Duterte sa House Justice Committee.
  • Ang mga video at NBI report ay nagpapakita ng seryosong banta laban sa Pangulo.
  • Dapat maging consistent ang kampo ni VP Duterte sa kanilang legal na posisyon sa Senado at Supreme Court.
  • Ang impeachment proceedings ay nakabatay lamang sa ebidensyang on record, hindi sa chismis o media statements.
  • Mahalaga ang paninindigan para sa katotohanan at prinsipyo sa pagharap sa impeachment complaint.

Summary

  • Pinuna ang kampo ni VP Duterte sa kawalan ng ebidensyang sumusuporta sa kanilang depensa sa House Justice Committee.
  • Inilahad na malinaw at totoong nangyari ang mga pangyayari sa video na pinagbasehan ng imbestigasyon.
  • Tinukoy ang mga reklamo ng defense panel tungkol sa defective proceedings at ang Supreme Court petition laban sa House proceedings.
  • Binanggit ang kahalagahan ng pagharap sa Senado impeachment trial at ang pag-atras sa Supreme Court petition upang maging consistent ang posisyon.
  • Ipinakita ang mahahalagang dokumento mula sa NBI na nagpapakita ng seryosong banta laban sa Pangulo at iba pang opisyal.
  • Pinabulaanan ang alegasyon ng spliced videos at sinabing walang batayan ang mga pagbabanta mula sa kampo ni VP Duterte.
  • Tinukoy ang kahalagahan ng ebidensyang on record at hindi mga chismis o press statements bilang basehan sa impeachment.
  • Hinimok si Congressman Pulong na ipagtanggol ang kapatid niya sa plenaryo at ipaliwanag ang mga kontrobersyal na financial transactions.
  • Binanggit ang malalaking halaga ng transaksyon ng mag-asawang Duterte-Carpio bilang bahagi ng imbestigasyon.
  • Pinagtibay ang paninindigan para sa katotohanan at prinsipyo bilang pundasyon ng suporta sa impeachment complaint laban kay VP Duterte.

Full Transcript — Download SRT & Markdown

00:00
Speaker A
Una't una, 'pag sinabi nilang expected na paano nila hindi sasabihin na expected na wala naman silang pinresenta kahit na isang ebidensya na magre-rebat sa lahat ng mga ebidensya na ipinresenta sa committee.
00:15
Speaker A
Ah, 'yung video po, lahat naman po tayo napanood ito, buong, hindi lang buong bansa, buong mundo napanood po 'to.
00:23
Speaker A
Kaya wala naman po kaduda-duda na itong videong 'to ay talaga namang nangyari at kung ano man 'yung intensyon nito ay malinaw na malinaw naman doon sa video.
00:36
Speaker B
Ah, magbigay din ng remarks kasi kahapon, ah, sabi ho ng defense panel, ah, defective daw ho 'yung complaint, 'no?
00:45
Speaker B
Ah, ng, ah, defective 'yung proceedings, ah, nitong House Justice Committee.
00:50
Speaker B
Ah, una ho sa lahat, um, sa presinto na lang ho sila magpaliwanag, 'wag ho nilang gawin 'yun sa mga presscon, press statements, 'tol.
00:58
Speaker B
Ang inaasahan ho sa kanila, dapat lumukho sila sa House proceedings.
01:03
Speaker B
Pero nakakatawa din ho sa totoo lang, and we are making this statement now, nakakatawa kung magpupunta ho sila sa Senate impeachment trial habang meron po silang, um, Supreme Court petition laban po sa House proceedings, 'no?
01:57
Speaker B
Una, ah, ginawa nila lang respondent 'yung Senado, pangalawa, pagka ho tumawid to the Senate, 'yung pong House proceedings po ng impeachment, basically, they will participate in what they deem as an unconstitutional proceeding.
02:14
Speaker B
Hindi ho ba? So, kailangan ho nilang magpasya kung ano ho ba talaga 'yung posisyon nila sa bagay po na ito.
02:21
Speaker B
No, either, ah, take it out of the Supreme Court petition before going into the Senate trial kasi they cannot have both, sa totoo lang.
02:33
Speaker B
Kasi ho, ah, okay ho 'yan kung, okay ho 'yung posisyon nila if they did not undertake a Senate, ah, okay 'yung posisyon ho nila kung hindi ho nila sinama 'yung pong Senado.
03:25
Speaker B
Or hindi sila nagreklamo at the very best, 'no, sa Corte Suprema dito po sa proceedings, ibig sabihin, gagalangin namin 'yung pong kanilang karapatan na hindi magpakita sa Kongreso, sa komite, at magpakita na lang ho sa Senado at doon ho mag tunggalian, walang problema 'yun.
03:41
Speaker B
But, uh, because they went into the Supreme Court questioning our proceedings, making the Senate a respondent, parang nakakatawa ho 'yun na pagka, pagkalapag ho ng Senate impeachment trial, magpapakita ho sila doon habang hindi ho nila binibitawan 'yung pong kanilang Supreme Court petition laban sa proceedings itself.
04:15
Speaker B
So, I think it's a challenge to them, no, as soon as we get into the Senate, dapat atrasan ho nila 'yan pong Supreme Court petition challenging the entirety of the impeachment proceedings.
04:55
Speaker B
Sa lahat, magpapakita po ito, makapal ho 'yung dokumento, ano, I think around 250 pages po ito.
05:04
Speaker B
Pero makikita ho talaga natin 'yung pong, ah, simula at dulo po nung, ah, intervention ng NBI dito po sa pagsisiyasat, ah, ng threat against the President, ah, the First Lady and the former House Speaker.
05:18
Speaker B
No, so, ah, winawasak po nitong NBI report po na ito 'yung mga palusot depensa ng Pangalawang Pangulo na bugso lang po ito ng damdamin, ito po ay conditional at, ah, dapat hindi ito seryosohin dahil katulad ng sinabi ni Congressman Marcoleta nung nakaraan, buhay pa naman daw ang Pangulo.
05:41
Speaker B
Winawasak po ng NBI report na ito po ay talagang seryoso na banta laban po sa ating Pangulo at, ah, we had seen the result of the NBI report in the hearing itself, 'no?
05:57
Speaker B
Ah, makikita po talaga natin, ah, dito na talagang pauli-ulit ito pong, ah, pagsubok at, ah, pagkakaroon po talaga ng banta, 'no, laban sa atin pong Pangulo.
06:49
Speaker B
And, ah, sa totoo lang, hindi ho talaga totoo 'yung sinasabi nila na, ah, at reklamo ng defense panel na spliced.
06:57
Speaker B
Ang totoo ho, even if we play the entirety of the videos, makikita ho talaga natin doon na wala hong batayan para magbigay ng pagbabanta ang kahit sino man, lalo't higit ang Pangalawang Pangulo na meron sariling Vice Presidential Security Group.
07:24
Speaker B
No, at, ah, meron din pong, ah, history ng violence, ah, even going back to her days in Davao City, so, um, kailangan seryosohin po ng pamahalaan ito and ito pong impeachable offense relating to, ah, threats against the President, ah, tingin ko ito po ay talagang tatayo even through, ah, the Senate impeachment trial.
08:19
Speaker A
Una, hindi ko po alam kung sino 'yung kanyang binabanggit pero kung totoo po 'yan, bakit patatawagan 'yung staff mismo, bakit hindi 'yung mismong kongresista na boboto mismo ng impeachment?
08:31
Speaker A
At saka malinaw naman po eh, papaano mo naman pa, ah, paano mo naman, ah, paano ka boboto ng hindi kung ano ang magiging iyong basehan?
08:41
Speaker A
Hindi ba baliktad, dapat tanungin po natin sila, bakit sila boboto ng hindi kung ang ebidensya naman ay overwhelming?
08:49
Speaker A
Wala naman pong ipinresenta ang mga depensa, ang respondent, ah, defense team ng Vice President, kahit na isang ebidensya.
08:58
Speaker A
Ang pagbabasihan lamang ng mga miyembro ng Kamara ay 'yung ebidensya na inilatag sa Committee on Justice.
09:07
Speaker A
Bukod po dito, eh, wala na po kaming pwedeng maging, ah, batayan, hindi po, ah, kabilang ang pagbabasihan po namin ay 'yung mga, ah, press release na kanilang sinasabi.
09:26
Speaker A
Hindi po kasama 'yan sa magiging ebidensya o iko-konsidera, uulitin ko po, ang iko-konsidera lamang namin ay kung ano ang ebidensya na nakapresenta sa Committee on Justice at nakakalungkot, kahit na isang ebidensya, wala pong pinresenta ang respondent Vice President.
10:17
Speaker A
Alam po ninyo, lahat naman 'yan puro mga chismis-chismis 'yan sinasabi nila simula pa lang naman, 'yan naman ang kanilang pinalalabas.
10:30
Speaker A
Ah, at kung makikita po ninyo, lahat naman 'to puro sa press media lamang nila pinipresenta, uulitin ko po, lahat po ang ebidensya na pagbabasihan po ay dapat mga ebidensya on record, hindi po mga ebidensya o mga chismis na sinasabi po sa social media at sa mga media.
10:44
Speaker B
Wala namang ganun.
10:45
Speaker B
Ano 'yung dapat gawin ho ni, ah, Congressman Pulong, magpakita siya doon sa mga pagdinig.
10:55
Speaker B
Magsalita siya doon sa plenariyo.
10:59
Speaker B
Ipagtanggol niya ang kapatid niya.
11:02
Speaker B
Hindi ba?
11:04
Speaker B
On the three points.
11:10
Speaker B
Ipaliwanag niya bakit may 700 million na pumasok ho sa account ng Pangalawang Pangulo nung 2009 samantala nga, 18 million lang po 'yung, ah, kanyang sahod nung taon po na 'yun.
11:46
Speaker B
Anyway, magkakasama naman ho sila sa Davao City nung panahon po na 'yun.
11:52
Speaker B
Explain niya bakit ganyan po kalaki 'yung pong, ah, accounts ng mag-asawang Duterte-Carpio, 'no?
12:03
Speaker B
6.7 billion po 'yung total transactions ng mag-asawang Duterte-Carpio.
12:08
Speaker B
Mabigat 'yung pong pagbabanta.
12:10
Speaker B
Hindi ho ba?
12:12
Speaker B
Hindi pa nga ho natin pinag-uusapan dito 'yung, ah, iba pang mga kamag-anak ng Pangalawang Pangulo that had been lording it over in Davao City over the last two decades.
12:24
Speaker B
No, 'yung, ah, dating Pangulo, ang kanya pong at 'yung mga kapatid po ng atin pong Pangalawang Pangulo.
12:30
Speaker B
So, I think 'yun 'yung best, ah, course of action dito.
12:39
Speaker B
At tama naman siya.
12:41
Speaker B
Tama ho talaga manindigan para sa tama.
12:47
Speaker B
Dapat tama ho talaga na manindigan para sa katotohanan dahil 'yun naman ho 'yung prinsipyo, tingin ko, nung mga tao po sa Committee on Justice, I'm quite certain, 'yan din po 'yung magiging prinsipyo at the level of the plenary.
13:26
Speaker B
Kasi kailangan mo talagang magpaliwanag nung Pangalawang Pangulo on the misuse of confidential funds, 448 million 'yung pinag-uusapan ho nating pinapasoli sa kanya.
13:35
Speaker B
6.7 billion po 'yung total transactions ng mag-asawang Duterte-Carpio, mabigat 'yung pong pagbabanta ng Pangalawang Pangulo at ng kanyang kapatid laban sa atin pong Pangulo mismo.
13:45
Speaker B
Ito pong tatlong mga bagay na ito, tingin ko hindi ho kailangan ng ayuda rito, hindi ho kailangan ng coercion dito, tingin ko, nakabatay lang doon ho sa paninindigan para sa katotohanan, para sa prinsipyo, talagang they will support the impeachment complaint against the Vice President at the level of the plenary.
Topics:VP DuterteimpeachmentHouse Justice CommitteeNBI reportSupreme Court petitionSenate impeachment trialebidensyapahayagABS-CBN Newspagsisiyasat

Frequently Asked Questions

Ano ang pangunahing isyu na tinalakay sa video tungkol kay VP Duterte?

Tinalakay sa video ang kakulangan ng ebidensya mula sa kampo ni VP Duterte sa House Justice Committee at ang mga legal na isyu sa impeachment proceedings.

Ano ang sinabing epekto ng NBI report sa kaso ni VP Duterte?

Ayon sa video, ang NBI report ay nagpapakita ng seryosong banta laban sa Pangulo at winawasak nito ang mga depensa ng kampo ni VP Duterte.

Bakit mahalaga ang pag-atras sa Supreme Court petition bago ang Senado impeachment trial?

Mahalaga ito upang maging consistent ang posisyon ng kampo ni VP Duterte at hindi lumahok sa Senado trial habang may hinihinging pagbasura sa House proceedings.

Get More with the Söz AI App

Transcribe recordings, audio files, and YouTube videos — with AI summaries, speaker detection, and unlimited transcriptions.

Or transcribe another YouTube video here →