Barko ng Atin Ito Coalition binuntutan ng Chinese vesse… — Transcript

Binuntutan ng Chinese Coast Guard ang barko ng Atin Ito Coalition sa kanilang misyon patungong Pag-asa Island sa West Philippine Sea.

Key Takeaways

  • Patuloy na nilalabanan ng Atin Ito Coalition ang pag-angkin ng China sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng mga civilian missions.
  • May tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pag-escort ng Chinese Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas sa kanilang exclusive economic zone.
  • Suporta ang AFP sa mga misyon bilang pagpapakita ng soberanya at karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
  • May mga hadlang sa paggamit ng teknolohiya tulad ng drone dahil sa regulasyon ng China sa lugar.
  • May mga hakbang na ginagawa ang gobyerno para suportahan ang mga residente ng Pag-asa Island sa pamamagitan ng livelihood at infrastructure projects.

Summary

  • Binuntutan ng barko ng China Coast Guard ang civilian ship ng Atin Ito Coalition patungo sa Pag-asa Island.
  • Naantala ang pagpapalipad ng drone dahil sa regulasyon ng Civil Aviation Administration of China.
  • Nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas ang lugar kung saan ini-escort ng China ang barko ng Atin Ito.
  • Ito ang ika-apat na misyon ng Atin Ito Coalition sa West Philippine Sea.
  • Nagdaos ng programa ang Atin Ito Coalition para sa Araw ng Paggawa bilang pag-alala sa mga mangingisda at tripulante.
  • Suportado ng Armed Forces of the Philippines ang misyon at tiniyak ang kaligtasan ng mga kalahok.
  • Iginiit ng Atin Ito Coalition na ang West Philippine Sea ay bahagi ng Pilipinas at may karapatan ang mga Pilipino doon.
  • Mariing tinutulan ng Chinese Embassy ang misyon at ipinahayag ang kanilang paninindigan sa soberanya ng China sa lugar.
  • Nagplano ang mga kinatawan ng Pilipinas ng mga livelihood programs, trainings, at infrastructure projects para sa mga residente ng Pag-asa Island.
  • Hindi pinayagan ang pagpapalipad ng drone ng Atin Ito Coalition dahil sa requirement ng China, na nagdulot ng pagkabahala sa mga kalahok.

Full Transcript — Download SRT & Markdown

00:00
Speaker A
Binuntutan ng barko ng China Coast Guard vessel ang civilian ship ng Atin Ito Coalition na patungo Pag-asa Island ngayong Biyernes ng umaga.
00:17
Speaker A
Naantala rin ang pagpapalipad ng iba't ibang drone mula sa barko at live nagpapatrol mula sa West Philippine Sea Francis Orcho.
00:23
Speaker A
Francis, nasaan na kayo ngayon at kumusta naman ang inyong sitwasyon?
00:27
Speaker B
Bernadette, sakay tayo ng civilian ship na MV Kapitan Felix Oca sa layong 133 nautical miles ng Palawan as of 6:00 p.m. para 'yan sa ika-apat na misyon ng Atin Ito Coalition sa West Philippine Sea.
00:40
Speaker B
At sa kauna-unahang pagkakataon nga ay inaasahang makatutungtong sila doon sa Pag-asa Island na bahagi ng Kalayaan Palawan at ng Kalayaan Island Group.
01:00
Speaker B
At inaasahan din natin na ayon sa mission commander kaninang 7:00 ng umaga.
01:06
Speaker B
Ay namataan ang Chinese Coast Guard vessel.
01:10
Speaker B
Hanggang sa makarating ang 5:00 ng hapon at nakita pa rin natin ang barko ng China.
01:15
Speaker B
Bernadette.
01:48
Speaker B
7:00 Biyernes ng umaga o 13 oras mula nang maglayag mula sa Maynila ang MV Kapitan Felix Oca para sa Atin Ito 4th civilian mission sa Pag-asa Island.
01:59
Speaker B
Namataan ang isang China Coast Guard vessel na may bow number 3103. Ayon sa mission commander na si Rafaela David.
02:09
Speaker B
Lumapit pa ang barko ng CCG sa Felix Oca.
02:15
Speaker C
It was as close as 3.2 nautical miles away from our vessel, so ibig sabihin talagang malapit.
02:29
Speaker C
At ang medyo nakakabahala, 60 nautical miles away pa lang po tayo.
02:34
Speaker C
West of Mindoro, so ibig sabihin well within our exclusive economic zone.
02:40
Speaker C
Ay ini-escort na tayo ng Chinese Coast Guard.
02:43
Speaker B
Hindi rin nakalipad ang drone ng Atin Ito matapos umanong lumabas sa display ng drone controller.
02:51
Speaker B
Na kailangan i-rehistro ito sa Civil Aviation Administration of China.
02:59
Speaker B
Hindi naman ganito noong nakaraang taon sa parehong civilian mission sa West Philippine Sea.
03:05
Speaker D
Na buksan 'yung aircraft.
03:08
Speaker D
Nagkaroon ng navigational system error.
03:10
Speaker D
It feels na parang dayuhan ka sa sarili mong bansa, so parang ang ano 'n, parang ang sakit 'n kasi instead na may freedom ka to do the things in the right way.
03:21
Speaker D
Parang restricted ka from of another country na nagke-claim na sa kanila 'to.
03:27
Speaker B
Ayon pa kay David, ang lugar kung saan sana magpapalipad ng drone ay 127 nautical miles mula Mindoro.
03:33
Speaker B
Bahagi ito ng Manila Flight Information Region ng Civil Aviation Authority of the Philippines.
03:39
Speaker B
Inasahan ni David na may mamamataan pang ibang barko ng China bago pa dumating sa Pag-asa Island.
03:46
Speaker B
Pero hindi niya ito magiging hadlang sa kanilang misyon.
03:50
Speaker C
Actually, hindi naman tayo magtataka kung maraming Chinese vessels doon.
03:56
Speaker C
Kasi nandoon na tayo nung nakaraang taon.
04:00
Speaker C
So ganun din ngayong fourth mission, kahit alam natin na malamang maraming mga Chinese vessels doon ay tuloy-tuloy pa rin tayo.
04:07
Speaker B
At ngayong Mayo 1, ginunita ng Atin Ito Coalition sa laot ang Araw ng Paggawa.
04:13
Speaker B
Nagdaos sila ng maikling programa para bigyang pugay ang mga mangingisda na umaasa sa biyaya ng dagat at mga tripulanteng patuloy na naghahanapbuhay sa kabila ng banta sa West Philippine Sea.
04:24
Speaker B
Una nang ipinahayag ni Akbayan Representative Dada Kiram Ismula na katuwang ng West Philippine Sea block.
04:32
Speaker B
Ihahain sa mababang kapulungan ang pagtugon sa pangangailangan ng mga residente ng Pag-asa Island sa nalalapit na budget hearing season sa Kamara.
04:41
Speaker E
Isa na rin po doon 'yung nakita naming pwedeng maibigay ng mga livelihood programs at mga trainings po na mula sa TESDA.
04:50
Speaker E
At bibigyan din po sana sila ng mga livestock na mula galing sa galing sa DA.
04:58
Speaker E
Bukod doon, may mga infrastructure projects din po silang nire-request sa atin.
05:03
Speaker E
Kaya po mismo ako na po mismo 'yung sisilip nito.
05:07
Speaker B
Nagpahayag naman ng suporta ang Armed Forces of the Philippines sa panibagong misyon ng Atin Ito Coalition.
05:13
Speaker B
Ayon sa AFP, sumasalamin ito sa bayanihan at pagkakaisa ng mga Pilipino na igiit ang karapatan sa West Philippine Sea.
05:24
Speaker B
Tiniyak din ng AFP na aalalay ito at makikipag-ugnayan para masiguro ang kaligtasan ng mga kalahok sa misyon.
05:31
Speaker B
Binigyang diin ng militar na ang pagpunta ng mga sibilyan sa Pag-asa Island at ibang bahagi ng West Philippine Sea ay patunay na bahagi ito ng Pilipinas.
05:44
Speaker B
Na dapat malayang napupuntahan ng sinumang Pilipino.
05:51
Speaker B
Bernadette, sa isang pahayag sinabi naman ng Chinese Embassy.
05:57
Speaker B
Na tinawag nila ang misyon ng Atin Ito na mapanghamon.
06:04
Speaker B
Patuloy nilang ipagtatanggol ng China ang soberanya at karapatan nito sa lugar.
06:11
Speaker B
Mariing nanindigan naman ang Atin Ito na sa Pilipinas ang West Philippine Sea.
06:18
Speaker B
At tayo ang may karapatan dito.
06:21
Speaker B
Kahit nasa kabila ng inaasahan nating pag-aligid ng China sa ating misyon patungong Pag-asa ay hindi magpapatina ang mga volunteers.
06:33
Speaker B
Ang mga kasama dito sa barko na ituloy ang kanilang misyon na ipamahagi ang mga suplay at tulong.
06:40
Speaker B
Tulad nga ng bigas at krudo sa mga residente at mangingisda ng isla.
06:45
Speaker B
Bernadette.
06:47
Speaker A
Maraming salamat, Francis Orcho.
Topics:Atin Ito CoalitionWest Philippine SeaPag-asa IslandChinese Coast Guardexclusive economic zonecivilian missiondrone regulationArmed Forces of the PhilippinessovereigntyPhilippine-China tension

Frequently Asked Questions

Ano ang layunin ng Atin Ito Coalition sa kanilang misyon sa Pag-asa Island?

Layunin ng Atin Ito Coalition na ipakita ang soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea, maghatid ng tulong sa mga residente ng Pag-asa Island, at ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino sa lugar.

Bakit naantala ang pagpapalipad ng drone ng Atin Ito Coalition?

Naantala ang pagpapalipad ng drone dahil kailangan itong irehistro sa Civil Aviation Administration of China, na nagdulot ng navigational system error at hindi ito pinayagang gamitin.

Ano ang naging reaksyon ng Chinese Embassy sa misyon ng Atin Ito Coalition?

Tinawag ng Chinese Embassy na mapanghamon ang misyon ng Atin Ito Coalition at mariing ipinahayag na ipagtatanggol nila ang soberanya at karapatan ng China sa lugar.

Get More with the Söz AI App

Transcribe recordings, audio files, and YouTube videos — with AI summaries, speaker detection, and unlimited transcriptions.

Or transcribe another YouTube video here →