Skip to content
Get App

Kabihasnang Minoan, Mycenaean at Kabihasnan ng Klasikong Greece #AP8 #Q2

Tinalakay ang kasaysayan at kultura ng kabihasnang Minoan, Mycenaean, at Klasikong Greece mula 3100 BCE hanggang 400 BCE.

Key Takeaways

  • Ang kabihasnan ng Minoan at Mycenaean ay pundasyon ng kultura at sining ng klasikal na Greece.
  • Ang Dark Age ay nagdulot ng paghina sa kalakalan, sining, at pagsulat ngunit nagbigay daan sa muling pag-usbong ng sibilisasyon.
  • Ang polis ay mahalagang institusyon sa politika at lipunan ng mga sinaunang Griego.
  • Ang demokrasya ay nagsimula sa Athens, samantalang Esparta ay kilala sa kanilang militar.
  • Ang mitolohiya at alamat ay mahalagang bahagi ng pagkakakilanlan ng mga Griego.

What the video covers

  • Ang kabihasnan ng Minoan ay nagsimula sa Crete noong 3100 BCE, kilala sa kanilang teknolohiya, pagsulat, at kalakalan.
  • Ang Mycenaean ay naging makapangyarihang kabihasnan na nakontrol ang Crete at nag-ambag sa wikang Griego at sining.
  • Ang pagbagsak ng Mycenaean at pagsalakay ng mga Dorians ay nagdulot ng Dark Age na tumagal ng halos 300 taon.
  • Lumitaw ang kabihasnan ng Klasikong Greece sa mabundok na bahagi ng Balkan at mga pulo sa Aegean mula 800 BCE hanggang 400 BCE.
  • Ang mga lungsod-estado o polis tulad ng Athens at Esparta ay naging sentro ng politika, relihiyon, at kultura ng mga Griego.
  • Ang Athens ay nagpasimula ng demokrasya habang ang Esparta ay kilala sa kanilang sandatahang lakas.
  • Ang Acropolis at agora ay mahalagang bahagi ng polis bilang sentro ng proteksyon, politika, at kalakalan.
  • Ang mga Minoan ay unang gumawa ng arena para sa palakasan tulad ng boxing.
  • Ang mga kwento at alamat ng Minoan at Mycenaean ay naging batayan ng mitolohiyang Griego.
  • Ang karagatan ng Mediterranean at Aegean ay naging mahalagang daanan para sa kalakalan at komunikasyon ng mga sinaunang Griego.

Answers

Questions about this video

Ano ang kabihasnang Minoan at saan ito nagsimula?

Ang kabihasnang Minoan ay ang kauna-unahang sibilisasyong Aegean na nagsimula sa Crete noong 3100 BCE. Kilala sila sa kanilang teknolohiya, pagsulat, at kalakalan.

Ano ang naging epekto ng pagsalakay ng mga Dorians sa Greece?

Ang pagsalakay ng mga Dorians ay nagdulot ng pagbagsak ng Mycenaean at tinaguriang Dark Age na tumagal ng halos 300 taon kung saan humina ang kalakalan, sining, at pagsulat.

Ano ang polis at bakit ito mahalaga sa kabihasnang Greece?

Ang polis ay mga lungsod-estado na nagsilbing sentro ng politika, relihiyon, at kalakalan sa Greece. Dito nagsimula ang mga institusyon tulad ng demokrasya at militarismo.

Full Transcript — Download SRT & Markdown

00:01
Speaker A
Ang kabihasnan ng Minoan, Mycenaean, at kabihasnan ng klasiko ng Gresya. Ang lupain ng Gresya ay mabato at bulubundukin.
00:13
Speaker A
Ito ang pangunahing naging sagabal sa mabilis na daloy ng komunikasyon sa mga pamayanan. Naging mabagal ang paglago ng mga kaisipan at teknolohiya, subalit ito rin ang naging dahilan upang ang bawat lungsod-estado ay magkaroon ng kanikanilang
00:33
Speaker A
katangian na nagpayaman sa kanilang kultura. Ayon sa mga arkeologo, ang kauna-unahang sibilisasyong Aegean ay nagsimula sa Crete noong 3100 BCE. Tinawag itong kabihasnan ng Minoan batay sa pangalan ni Haring Minos, ang maalamat na haring sinasabing nagtatag nito.
01:28
Speaker A
at haring sinasabing nagtatag nito. Kilala ang mga Minoan bilang mahuhusay gumamit ng metal at iba pang teknolohiya.
01:40
Speaker A
Nakatira sila sa mga bahay na yari sa salaryo o bricks at may sistema ng pagsulat.
01:47
Speaker A
Sila ay magagaling ding mandaragat. Narating ng Crete ang kanyang tugatog noong 1600 hanggang 1100 BCE.
01:59
Speaker A
hanggang 1100 BCE. Umunlad ng gusto ang kabuhayan, dulot na rin ang pakikipagkalakalan ng mga Minoan sa Silangan at sa paligid ng Aegean.
02:11
Speaker A
Dumami ang mga bayan at lungsod at ang Nosos ang naging pinakamalaki. Kinilala ang Nosos bilang isang makapangyarihang lungsod at sinakop nito ang kabuhayan ng Crete. Dito matatagpuan ang isang napakatayog na palasyo na nakatayo sa dalawang e. Tagpuan ang isang napakatayog na palasyo na nakatayo sa dalawang ektarya ng
02:35
Speaker A
lupa at napapaligiran ng mga bahay na bato. Ang palasyo ay nasira ng sunod-sunod na sunog at iba pang mga natural na kalamidad.
02:46
Speaker A
Mayroong apat na pangkat ng tao sa pamayanang Minoan. Ang mga maharlika, mga mangangalakal, magsasaka, at mga alipin. Ang mga Minoans ay masayahing tao at mahin. Ang mga Minoans ay masayahing tao at mahilig sa magagandang bagay at kagamitan. Maging sa palakasan ay di
03:10
Speaker A
nagpahuli ang mga Minoans. Sila na siguro ang unang nakagawa ng arena sa buong daigdig kunsaan nagsasagawa ng mga labanan sa boxing.
03:21
Speaker A
Ang Mycenae ay matatagpuan 16 na kilometro ang layo sa aplaya ng karagatang Aegean na naging sentro ng kabihasnan ng Mycenaean. Ang mga Minoans ay matatagpuan 16 na kilometro ang layo sa magagandang bagay at kagamitan. Naging sentro ng kabihasnan ang Mycenaean.
03:36
Speaker A
Ang mga lungsod dito ay pinag-ugnay-ugnay ng maaayos na daanan at mga tulay.
03:42
Speaker A
Napapaligiran ng makapal na pader ang lungsod upang magsilbing pananggalang sa mga maaaring lumusob dito. 1400 BCE nang mapalakas ng Mycenaean ang kanyang hukbo at kanyang nasakop ang Crete.
03:59
Speaker A
na iugnay nila ang Crete sa lumalagong kabihasnan sa Greece. Naiugnay nila ang Crete sa lumalagong kabihasnan sa Greece. Maraming mga salitang Minoan ang naidagdag sa wikang Griego. Ang sining ng mga Griego ay naimpluwensyahan ng mga istilong Minoan.
04:17
Speaker A
Ilan sa mga alamat ng Minoan ay naisama sa mga kwento at alamat ng mga Griego. Bagamat walang naiwang nakasulat na kasaysayan, Ang pagsalin-salin ng mga kwento ng hari at bayaning may sineyan ay lumaganap.
04:33
Speaker A
Kwento ng hari at bayaning Mycenaean ay lumaganap. At hindi naglaon, ang mga kwentong ito ay nai-ugnay at naging batayan ng mitolohiyang Griego.
04:47
Speaker A
Noong 1100 BCE, ay isang pangkat na mga tao mula sa Hilaga ang pumasok sa Greece at iginupo ang mga Mycenaean. Sila ang mga Dorians.
05:00
Speaker A
Samantala, ay isang pangkat naman ng mga tao na mayroon ding kaugnayan sa mga Mycenaean.
05:09
Speaker A
ang tumungo sa timog ng Greece malapit sa lupain ng Asia Minor. Nagtatag sila ng kanilang pamayanan at tinawag ng mga Ionians.
05:21
Speaker A
Ang pagsalakay ng mga Dorians at pagbagsak ng Mycenaean ay tinaguriang Dark Age o madilim na panahon na tumagal ng halos 300 taon.
05:33
Speaker A
Naging palasak ang digmaan ng mga iba't ibang kaharian. Nahinto ang kalakalan, pagsasaka, at iba pang gawain pangkabuhayan. Maging ang paglago ng sining at pagsulat ay lubos na naapektuhan.
05:54
Speaker A
Naging sentro ng kabihasnan ng klasikong Greece, ang mabundok na bahagi ng tangway ng Balkan sa timog at ilang mga pulo sa karagatan ng Aegean.
06:06
Speaker A
sa karagatan ng Aegean. Samantala ang karagatan ng Mediterranean ang naging tagapag-ugnay ng Greece sa iba pang panig ng mundo.
06:17
Speaker A
Sa mundo ng sinaunang Griego, ang karagatan ang pinakamainam na daanan sa paglalakbay. Dahil dito, karamihan sa mga pamayanan nila ay matatagpuan 60 metro lamang ang layo mula sa baybaying dagat.
06:34
Speaker A
Mula sa labi ng madilim na panahon ay unti-unting umusbong sa Aionya ang isang bagong sibilisasyon na mabilis ding lumaganap sa kabuuan ng Greece. Ang pamayanan sa baybayin ng Greece na tinatawag ang kanilang sarili na Hellens o Greeks ang nagkaroon ng malaking
06:57
Speaker A
bahagi sa sibilisasyong ito. Kinilala ito sa kasaysayan bilang kabihasnan ng Hellenic mula sa kanilang tawag sa Greece na Hellas. ang Hellenic mula sa kanilang tawag sa Greece na Hellas. Ito ay tumagal mula 800 BCE hanggang 400 BCE at naging isa sa mga pinakadakilang
07:20
Speaker A
sibilisasyon na naganap sa kasaysayan ng Daigdig. Dahil sa mga digmaan bago pa man ang panahong Hellenic, ay nagtayo ang mga Griego ng mga kuta sa gilid ng burol at mga tuktok ng bundok upang protektahan ang kanilang mga sarili. kundok upang protektahan ang kanilang mga sarili.
07:42
Speaker A
Ang mga puop na ito kalaunan ay naging mga pamayanan. Dito nagsimula ang mga lungsod-estado o polis, kung saan hango ang mga salitang may kinalaman sa pamayanan tulad ng pulisya, politika, at politiko.
08:01
Speaker A
May malalaki at maliliit na polis. Ang pinakahuarang bilang na dapat bumuo sa isang polis ay 500. Nakahuarang bilang na dapat bumuo sa isang polis ay limang libong kalalakihan. Ito ay dahil sa lalaki lamang ang inilalagay sa opisyal na talaan ng populasyon ng isang lungsod-estado.
08:25
Speaker A
Karamihan sa mga polis ay may mga pamayanang matatagpuan sa matataas na lugar na tinatawag na Acropolis o Mataas na Lungsod.
08:36
Speaker A
Sa panahon ng digmaan, ito ang nagiging takbuhan ng mga Griego para sa kanilang proteksyon. Sa Acropolis matatagpuan ang matatayog na palasyo at templo kung kaya't ito ang naging sentro ng politika at relihiyon ng mga Griego. Samantala ang ibabang bahagi naman ay
09:01
Speaker A
tinatawag na agora o pamilihang bayan. Sa mga lungsod-estado naramdaman ng mga Griego na sila ay bahagi ng pamayanan. Ito ang dahilan kung bakit ipinagkaloob nila dito ang kanilang katapatan at paglilingkod. Ang ilan sa mga lungsod-estado na nakilala sa Greece ay ang Athens at ang Esparta.
09:35
Speaker A
Ang lungsod-estado ng Athens ay nagpatupad ng mga pagbabago sa sistemang politikal na nagsilang sa demokrasya, kung saan nagkaroon ng malaking bahagi ang mga mamamayan sa pamamalakad ng kanilang pamahalaan. At ang lungsod
09:58
Speaker A
-estado ng Esparta, na nakilala sa pagkakaroon ng pinakamahusay na sandatahang lakas. Ang kabihasnan ng Minoan, Mycenaean, at kabihasnan ng Klasiko ng Greece. May sineyan at kabihasnan ng klasiko ng Greece.
Topics:Kabihasnang MinoanKabihasnang MycenaeanKlasikong GreecePolisDemokrasyaAthensEspartaMitolohiyang GriegoDark AgeAcropolis

Get More with the SozAI App

Transcribe recordings, audio files, and YouTube videos — with AI summaries and speaker detection. 30 minutes free.

Or transcribe another YouTube video here →