Skip to content
Get App

PAGBAGSAK NG ROMAN EMPIRE | PAGSALAKAY NG MGA BARBARIAN SA ROMAN EMPIRE

Tinalakay ang pagbagsak ng Imperyong Romano dahil sa Crisis of the 3rd Century, pagsalakay ng mga barbaro, at kahinaan ng mga emperador.

Key Takeaways

  • Ang kahinaan ng pamumuno at mga digmaang sibil ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng Imperyong Romano.
  • Ang pagsalakay ng mga barbaro ay nagpalala sa kalagayan ng imperyo sa ekonomiya at seguridad.
  • Ang pag-asa sa mga mercenario ay nagdulot ng pagbaba ng kalidad ng sandatahang lakas ng Rome.
  • Ang mga Barracks Emperor ay simbolo ng kawalang-tatag at kaguluhan sa politika ng imperyo.
  • Sinimulan ni Diocletian ang pagsisikap na maibalik ang katatagan ng imperyo sa huli ng 3rd century.

What the video covers

  • Pinag-aralan ang dahilan ng pagbagsak ng Imperyong Romano matapos ang pamamahala ng limang mabubuting emperador.
  • Naging hudyat ang pagtatapos ng pamamahala ni Marcus Aurelius noong 180 CE sa pagwawakas ng Pax Romana.
  • Nagkaroon ng kawalan ng mahusay na pamumuno at mga digmaang sibil sa panahon ng Crisis of the 3rd Century.
  • Pinatay ng sariling sundalo ang emperador Severus Alexander noong 235 CE at nagsimula ang panahon ng mga Barracks Emperor.
  • Ang mga Barracks Emperor ay walang tunay na karapatan at kakayahan kaya nagdulot ng kaguluhan at digmaang sibil.
  • Nasira ang mga bukirin at sakahan na nagresulta sa kakulangan sa pagkain at pagtaas ng presyo ng bilihin.
  • Nagkaroon ng pagsalakay ng mga tribong barbaro na nagdulot ng pagkaantala sa kalakalan at pagkawala ng kita.
  • Doblehin ang bilang ng sundalo at pagtaas ng sahod na nagdulot ng problema sa pananalapi ng imperyo.
  • Paggamit ng mga mercenario na dayuhang sundalo na may mas mababang sahod ngunit unti-unting bumaba ang kalidad ng hukbo.
  • Pag-upa ng mga dayuhang opisyal mula sa mga tribong Gothic at Germanic na nagdulot ng pagdududa sa kanilang katapatan.

Answers

Questions about this video

Ano ang Crisis of the 3rd Century sa Imperyong Romano?

Ang Crisis of the 3rd Century ay panahon ng kawalan ng mahusay na pamumuno, mga digmaang sibil, at pagsalakay ng mga tribong barbaro na nagdulot ng malawakang kaguluhan sa imperyo.

Sino ang mga Barracks Emperor at bakit sila naging problema?

Ang mga Barracks Emperor ay mga emperador na iniluklok ng mga sundalo na walang tunay na karapatan o kakayahan sa pamumuno, kaya nagdulot sila ng patuloy na digmaang sibil at kawalang-tatag sa imperyo.

Paano nakaapekto ang paggamit ng mercenario sa Imperyong Romano?

Ang paggamit ng mercenario ay nagdulot ng pagbaba ng kalidad ng hukbo ng Rome dahil ang mga ito ay dayuhang sundalo na tumatanggap ng mas mababang sahod at hindi kasing tapat ng mga Romanong sundalo.

Full Transcript — Download SRT & Markdown

00:08
Speaker A
Sa ating nakalipas na video, ating tinalakay ang pamamahala ng limang mabubuting emperador ng Rome, gayon din ang kanilang mga ambag at nagawa sa lipunang Romano.
00:19
Speaker A
Ngayon naman, ating alamin bakit nga ba humina at tuluyang bumagsak ang imperyong Romano makalipas ang kanilang pamamahala. Bago tayo magpatuloy, make sure to click the subscribe button and turn on the notification bell para manotify kayo pag meron tayong bagong episode.
00:36
Speaker A
Lahat ng imperyong umusbong at umunlad sa kasaysayan, gaano man sila kalakas, ay bumabagsak din. Ang imperyong Romano ay hindi nakaligtas sa kapalaran na ito.
00:48
Speaker A
Marami sa mga historiador ang sumasang-ayon na ang pagtatapos ng pamamahala ni Marcus Aurelius, ang huling emperador ng Nerva Antonin Dynasty noong 180 CE, ang siyang naging hudyat sa pagwawakas ng halos dalawang siglong kapayapaan at kaunlaran sa Rome na mas kilala bilang Pax Romana.
01:05
Speaker A
Ang mga pinuno na sumunod sa kanya ay maituturing na hindi kasing galing ng mga nauna sa kanila at kapos sa kakayahan kung paano pamumunuan ang isang malawak na imperyo at harapin ang mga lumalaking suliranin nito.
01:20
Speaker A
Mahaba at malawak na kaguluhan ang Imperyong Romano sa pagpasok ng ikatlong siglo.
01:44
Speaker A
Ang mga kaguluhan na ito ay nakilala sa tawag na Crisis of the 3rd Century.
01:55
Speaker A
Ang Crisis of the 3rd Century ay panahon ng kawalan ng mahusay na pamunuan ang Imperyo, mga digmaang sibil, pagdalas ng pagsalakay ng mga tribong Germanic at ang pagbabago sa militar ng Rome.
02:12
Speaker A
Ating simulan ang talakayan. Tara, samahan nyo ako sa 3rd century Roman Empire.
02:27
Speaker A
Para mapanatiling tapat ang mga sundalong Romano noong ikatlong siglo, itinaas na mga emperador ang mga sahod na mga ito sa punto na nagsimula ng maging suliranin ng imperyong Romano kung paano nga ba babayaran ang kanilang sahod.
02:44
Speaker A
Noong taong 235, pinatay ng kanyang sariling sundalo ang emperador Severus.
02:50
Speaker A
Pinatay ng kanyang sariling sundalo si Emperador Severus Alexander dahil sa pagkawalan ng bilib at respeto ng mga sundalong ito sa kanya.
03:06
Speaker A
Matapos siyang mapatay ng mga ito, iniluklok ng mga sundalong ito si Maximinius Trax bilang bagong emperador ng Rome.
03:20
Speaker A
Sa puntong ito ng kasaysayan ng Rome, nagsimula na ang panahon ng mga Barracks Emperor.
03:37
Speaker A
Ang mga Barracks Emperor ay mga emperador na iniluklok ng mga sundalo sa kabila ng kanilang kawalan ng tunay na karapatan sa trono at kakayahan sa politika.
03:50
Speaker A
Dito na nagsimula ang kaguluhan.
04:06
Speaker A
Nabigo ang mga Barracks Emperor na pamunuan ang buong imperyo dahil sa kanilang kawalan ng suporta sa mga mamamayan at maging sa iba pang general ng hukbo.
04:22
Speaker A
Sa bawat panibagong Barracks Emperor na uupo sa trono, panibagong digmaang sibil ang magsisimula.
04:36
Speaker A
Napakaraming mga Barracks Emperor na naupo sa trono noong ikatlong siglo.
04:57
Speaker A
Napakaraming mga Barracks Emperor na naupo sa trono noong ikatlong siglo, kaya ibig sabihin, napakarami ding digmaang sibil ang naganap.
04:59
Speaker A
Winasak na mga digmaang sibil na ito ang mga bukirin at sakahan na nagresulta sa paglisan ng mga magsasaka at pabayaan na ang kanilang mga lupain.
05:17
Speaker A
Ito ay nagresulta sa pagbagsak ng ani, na siya namang nagresulta sa kakulangan sa pagkain at sa labis na pagtaas ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin sa Rome.
05:39
Speaker A
Habang abala ang mga sundalo at mga general sa pag-aaway-away, nagkaroon naman ng pagkakataon ang mga barbaro o mas tamang tawaging mga tribong tagalabas na pumasok at salantahin ang Rome.
05:53
Speaker A
Naantala at hinarang ng mga tribong ito ang daloy ng kalakalan, kaya't mas lalong nawalan ng kita ang pamahalaang Romano.
06:10
Speaker A
Isang paalala bago tayo magpatuloy, laging tandaan na ang terminong barbaro ay nangangahulugan lamang na hindi sila Romano o hindi sila kabilang sa mga kabihasnan na kadalasang nakakasalamuha ng mga Romano.
06:31
Speaker A
Ito ay dahil sa sinaunang Romanong pananaw, kung saan may mababa silang pagtingin sa mga grupo ng tao na hindi sila pamilyar, kaya barbaro ang tawag nila sa mga tribong tagalabas.
06:48
Speaker A
Ngayon, balikan na natin ang ating talakayan.
06:53
Speaker A
Dahil sa pagsalakay ng iba't ibang tribo, nagpasya ang pamahalaang Romano na doblehin ang bilang ng mga sundalong nagbabantay sa kanyang hangganan upang mapigilan ang pagpasok ng mga ito.
07:22
Speaker A
At dahil diyan, lalong nalimas ang salaping imperyo dahil habang pataas ng pataas ang bilang ng mga sundalo, palaki din ng palaki ang kanilang mga sahod.
07:43
Speaker A
Upang sagutin ang suliranin na ito, nagsimulang mangalap ang pamahalaang Romano ng mga mercenario.
08:00
Speaker A
Ang mga mercenario ay mga dayuhang sundalo na binabayaran kapalit ng kanilang serbisyo.
08:21
Speaker A
Pinili ng pamahalaang Romano ang mga mercenario dahil ang mga ito ay tumatanggap ng mas mababang sahod kumpara sa mga sundalong Romano.
08:33
Speaker A
Masabi natin na dahil sa pag-upa ng mga mercenario, unti-unting naglaho ang pangunahing salik kung bakit naging makapangyarihan ang imperyong Romano.
08:48
Speaker A
Ito ang kanyang matapat, propesyonal, at bihasang hukbo.
09:06
Speaker A
Tuloy-tuloy na bumagsak ang imperyong Romano, may kita na iba na ang itsura ng kanyang hukbo.
09:23
Speaker A
Ang mga hanay ng Romanong sundalo ay unti-unting napalitan ng mga sundalo mula sa mga Gothic, Germanic at iba pang tribo sa Europa.
09:43
Speaker A
Ngunit, ang pinakamalaking dagok sa kalidad ng sandatahang lakas ng Rome ay ang kanilang pagkuha ng mga officers na dayuhan.
10:05
Speaker A
Dati, ang mga dayuhang sundalo ng Rome ay nasa ilalim ng isang Romanong officer.
10:29
Speaker A
Ngunit sa pagdating ng 3rd at 4th century, marami sa mga officers ng Roman army ay nagmula na sa mga tribong Gothic at Germanic, kung saan ang kanilang katapatan ay naging kwestyonable kung ang mga officers pa na ito ay tapat ba sa Roman Empire o sa kanilang tribong pinagmulan.
10:52
Speaker A
Sa kabila ng kaguluhan noong 3rd century, noong taong 284, isang natatanging Barracks Emperor ang naupo sa trono, siya si Diocletian.
11:03
Speaker A
Pinagsumikapan ni Diocletian na maibalik ang katatagan ng imperyo.
Topics:Imperyong Romanopagbagsak ng RomeCrisis of the 3rd CenturyBarracks Emperormga barbaromercenarioMarcus AureliusSeverus AlexanderDiocletiankasaysayan ng Rome

Get More with the SozAI App

Transcribe recordings, audio files, and YouTube videos — with AI summaries and speaker detection. 30 minutes free.

Or transcribe another YouTube video here →