Balik-Pilipinas na ang ilang miyembro ng BINI matapos ang matagumpay na tour sa Amerika kabilang ang Coachella at Billboard Women in Music.
Key Takeaways
- Matagumpay ang international exposure ng BINI sa Amerika.
- Malaki ang suporta ng mga Pilipino sa kanilang mga overseas activities.
- Handa na ang grupo na mag-recharge bago ang kanilang world tour.
- Patuloy ang pagtaas ng kanilang popularity at mga proyekto tulad ng Summer Sonic.
- Nagpapakita ang BINI ng pasasalamat at pagmamahal sa kanilang mga tagahanga.
What the video covers
- Ilang miyembro ng BINI ang nakauwi na sa Pilipinas matapos ang isang buwan na stay sa Amerika.
- Nagsimula ang kanilang tour sa Coachella, Global Spin Live sa Grammy Museum, Good Day LA, at Billboard Women in Music sa Hollywood.
- Apat na miyembro ng BINI—Stacey, Aiah, Gwen, at Maloi—ang unang nakarating sa Ninoy Aquino International Airport kasama ang kanilang manager at direktor.
- Nagpasalamat ang grupo sa mainit na suporta ng mga Pilipino sa Amerika.
- Nabanggit nila ang mga artist na kanilang na-meet tulad nina Kehlani, Teyana Taylor, Tate McRae, at iba pa.
- Nag-TikTok pa sila kasama si Thalia na naging isang iconic na karanasan para sa kanila.
- Inilarawan ni Aiah ang kanilang trip bilang 'jump-packed' at puno ng mga event at produktibong activities.
- Inanunsyo nila ang kanilang partisipasyon sa Summer Sonic festival na matagal nilang tinago bilang sikreto.
- Bukas naman ay darating ang apat pang miyembro ng BINI para magbakasyon bago simulan ang Signals World Tour.
- Nagpapasalamat ang grupo sa lahat ng sumuporta at excited na silang ipagpatuloy ang kanilang mga proyekto sa Pilipinas.
Full Transcript — Download SRT & Markdown
Speaker A
Matapos magpakitang gilas sa Coachella, Global Spin Live sa Grammy Museum, morning show na Good Day LA at Billboard Women in Music sa Hollywood, finally balik-Pinas na ang ilang miyembro ng BINI.
Speaker A
At live mula sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City, nagbabantay si MJ Felipe. MJ, sino na sa BINI members ang nakauwi na?
Speaker B
Gretchen, mainit-init pa, kalalapag lang ng PAL flight na sinakyan ng apat na miyembro ng BINI. Balik-Pinas na sina Stacey, Aiah, Gwen at Maloi, kasama nila ang kanilang manager na si Ron at si Direk Laurente Jogi.
Speaker B
Alam mo Gretchen, excited na talagang makauwi ng Pilipinas ang walo dahil isang buwan o mahigit din silang nag-stay sa America dahil sa sunod-sunod na ganap doon.
Speaker B
Narito ang panayam natin sa apat kanina.
Speaker B
Girls, how does it feel na you're back in the Philippines?
Speaker C
Oh my gosh, alam niyo, grabe, sobrang saya namin na nakabalik na kami sa bansang Pilipinas. Kasi grabe, na-miss namin dito, na-miss namin yung init. And sobrang happy kami na makita ang mga Pilipino here.
Speaker B
Nakita namin yung Billboard of Women in Music, Stacey, kamusta ang experiences?
Speaker D
Grabe, paulit-ulit naming sinasabi ng girls, kanino bang panaginip 'to? Kasi never namin in-expect na makakasama namin yung mga artist na nili-look up to namin like Kehlani, Teyana Taylor, Tate McRae, Tyla, everyone's Aral Larson.
Speaker D
Parang kami nasa panaginip, but we are very, very grateful for that opportunity.
Speaker D
Kaya maraming, maraming salamat sa lahat ng sumuporta, sa lahat ng mga Pinoy, we love you all.
Speaker B
Nag-TikTok pa kayo ni Thalia, ah?
Speaker E
Yes!
Speaker E
Ay, Marimar!
Speaker E
Sobrang iconic.
Speaker E
Sobrang iconic po 'non.
Speaker E
And sobrang warm niya, 'no girls?
Speaker E
And lagi niya sinasabi sa amin na iba yung suporta ng Pinoy.
Speaker B
Totoo.
Speaker B
Aiah, how would you sum up this month-long trip?
Speaker F
Oh my God.
Speaker F
Jump-packed.
Speaker F
Kasi ang daming nangyari po.
Speaker F
Ang dami naming nilabas while we were there in the States, we're Filipinos here.
Speaker F
And ang daming, ang dami lang talagang nasiksik ng mga event.
Speaker F
It was eventful and productive talaga the whole month.
Speaker B
And just today, we announced Summer Sonic.
Speaker F
Yes!
Speaker F
Oh my God!
Speaker F
Super happy na na-release na po siya kasi we've been keeping it a secret.
Speaker F
And super happy na makita ulit namin yung name namin sa mga posters na part kami sa lineup and it's gonna be fun.
Speaker B
Gretchen, bukas naman ang arrival ng apat pa sa members ng BINI.
Speaker B
At vacation mode muna ang walo bago sila mag-regroup at paghandaan ang kick-off ng kanilang Signals World Tour.
Speaker B
At 'yan ang latest mula dito sa airport, balik sa'yo Gretchen.
Speaker A
Congratulations and welcome home Stacey, Gwen, Aiah at Maloi at maraming salamat, MJ Felipe.
Topics:BINIbalik-PilipinasCoachellaBillboard Women in MusicSummer SonicSignals World TourFilipino artistsNinoy Aquino International AirportABS-CBN NewsMJ Felipe











