Higit kalahati ng mga kongresista posible umanong bobot… — Transcript

Posibleng mahigit kalahati ng mga kongresista ang boboto para sa impeachment ni VP Sara Duterte, habang naghahanda ang depensa para sa Senado.

Key Takeaways

  • Malaki ang posibilidad na maipasa ang impeachment laban kay VP Sara Duterte sa Kamara.
  • Conscience vote ang ipinatutupad ng ilang partido, kaya personal ang desisyon ng mga kongresista.
  • May paghahanda ang depensa ng bise para sa Senado, na nakadepende sa ebidensyang ipapakita.
  • Hindi dapat pilitin ang mga boto sa impeachment ayon sa mga miyembro ng pamilya Duterte.
  • May kontrobersiya ngunit walang ebidensyang sumusuporta sa alegasyon ng paggamit ng SALN para kumbinsihin ang mga mambabatas.

Summary

  • Mahigit kalahati ng mga miyembro ng Kamara ang posibleng bumoto pabor sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.
  • Ang Lakas-CMD ay magpapatupad ng conscience vote sa impeachment, walang sapilitang paninindigan ang partido.
  • Base sa ebidensyang ipinakita sa hearing, may probable cause ang reklamo, ngunit may ibang konsiderasyon ang ilang miyembro.
  • Mas marami ang susuporta sa impeachment mula sa mga party-list representatives ayon kay Bicol Party-list Rep. Terry Ridon.
  • Ang National Unity Party ay magpupulong para pag-usapan ang posibleng party stand, ngunit karaniwang pinapayagang magdesisyon ang mga miyembro nang sarili.
  • Pinaalalahanan ni Paolo Duterte na ang boto sa impeachment ay hindi dapat pinipilit o inuutos.
  • May alegasyon ng paggamit ng SALN para kumbinsihin ang mga mambabatas, ngunit mariing itinanggi ito ng mga kongresista.
  • Tatlo ang Duterte na miyembro ng Kamara, at walang anino ng bawat isa ang nakita sa isyu.
  • Nakahanda na ang kampo ng bise na dumepensa sa Senado kung umabot sa paglilitis ang impeachment.
  • Binabalangkas na ang committee report at articles of impeachment na pagbobotohan sa Lunes at isusumite sa plenaryo.

Full Transcript — Download SRT & Markdown

00:00
Speaker A
Posibleng mahigit kalahati o lagpas sa kailangang 106 na miyembro ng Kamara ang boboto pabor sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.
00:14
Speaker A
Tiwala naman ang kampo ng bise na makapagahahain sila ng magandang depensa sakaling mauwi ang reklamong impeachment sa paglilitis sa Senado.
00:29
Speaker B
Kanya-kanyang pulong na ang ilang partido sa Kamara ngayong nalalapit nang ipasa ng House Committee on Justice sa plenaryo ang committee report at articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte para pagbotohan.
00:40
Speaker B
Kabilang dito ang Lakas-CMD na ayon kay House Deputy Speaker Janet Garin ay conscience vote ang paiiralin pagdating sa impeachment.
00:49
Speaker C
Walang magiging stand ang partido kundi depende doon sa mga miyembro kung ano ang kanilang paniniwala at walang sapilitan.
00:59
Speaker B
Sabi ni Garin, kung ang basehan lang ay mga ebidensyang iprinesenta sa impeachment hearing sa Kamara, masasabing may probable cause ang reklamo.
01:08
Speaker B
Pero hindi lang ito ang konsiderasyon ng ibang kapartido niya.
01:10
Speaker C
Ayaw nila ng magkaroon ng political enemies.
01:13
Speaker B
Gayunpaman, naniniwala si Garin na posibleng higit kalahati ng higit 300 House members o lampas sa kailangang 106 ang boboto para sa pag-impeach sa bise.
01:25
Speaker B
Maging sa mga kinatawan ng party-list group sa Kamara, tingin ni Bicol Party-list Representative Terry Ridon, mas marami ang susuporta sa reklamong impeachment.
01:33
Speaker B
Ang National Unity Party nakatakdang magpulong sa Martes, May 5, para pag-usapan ang impeachment.
01:40
Speaker D
Isa sa agenda namin 'yun kung magkakaroon ng party stand, pero ang experience ko sa NUP kasi pagka ganyang mga issue, pinababayaan niya 'yung mga congressman na miyembro niya na mag-decide on their own.
01:57
Speaker B
Muli namang nagpaalala ang kapatid ng bise na si Davao City First District Representative Paolo Duterte na ang boto sa impeachment hindi dapat inuutos o pinupwersa.
02:04
Speaker B
May narinig din siya na ginagamit ang SALN sa pag kumbinsi sa mga mambabatas na suportahan ang impeachment.
02:13
Speaker B
Mariin itong itinanggi ng kapwa niya mga kongresista.
02:16
Speaker E
Wala namang ganun.
02:19
Speaker E
Ang dapat gawin niya, pagtanggol niya ang kapatid niya.
02:21
Speaker F
Tatlo po ang Duterte na nakaupo bilang miyembro ng Kamara.
02:27
Speaker F
Bakit ni anino po ng bawat isa po sa kanila ay hindi nakita?
02:31
Speaker B
Kung umabot sa paglilitis sa Senado ang reklamong impeachment, nakahanda na ang kampo ng bise na dumepensa.
02:37
Speaker G
Sana bumoto sila based on the evidence that will be presented kasi syempre ang posisyon nga ng defense team, walang ultimate facts.
02:45
Speaker B
Binabalangkas na sa ngayon ang committee report at articles of impeachment na pagbobotohan ng committee sa Lunes at isusumite sa plenaryo.
02:51
Speaker B
Vivienne Guliya, ABS-CBN News.
Topics:impeachmentSara DuterteKamaraHouse of RepresentativesLakas-CMDNational Unity Partyconscience voteSALNdefensaABS-CBN News

Frequently Asked Questions

Ilan ang posibleng boboto para sa impeachment ni VP Sara Duterte?

Posibleng mahigit kalahati ng mga miyembro ng Kamara o lampas sa 106 ang boboto pabor sa impeachment.

Ano ang posisyon ng Lakas-CMD sa impeachment ni VP Sara?

Ang Lakas-CMD ay magpapatupad ng conscience vote, kaya ang bawat miyembro ang magdedesisyon base sa kanilang paniniwala.

Paano tinugunan ang alegasyon ng paggamit ng SALN para kumbinsihin ang mga kongresista?

Mariing itinanggi ng mga kongresista ang alegasyon na ginagamit ang SALN para kumbinsihin silang suportahan ang impeachment.

Get More with the Söz AI App

Transcribe recordings, audio files, and YouTube videos — with AI summaries, speaker detection, and unlimited transcriptions.

Or transcribe another YouTube video here →