Speaker A
Magandang araw, sa video na ito, tatalakayin natin ang kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal.
Ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal ay Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda. Ipinanganak siya noong Hunyo 19, 1861, sa Calamba, Laguna.
Ang 'Noli Me Tangere' ay isang salitang Latin na nangangahulugang 'Huwag mo akong salingin.' Nagmula ito sa Ebanghelyo ni San Juan 20:13-17, na tumutukoy sa pahayag ni Hesu-Kristo kay Maria Magdalena.
Nagkaroon ng inspirasyon si Rizal na sumulat ng 'Noli Me Tangere' matapos mabasa ang tatlong aklat: ang 'The Wandering Jew' ni Eugene Sue, 'Uncle Tom's Cabin' ni Harriet Beecher Stowe, at ang 'Biblia'.
Transcribe recordings, audio files, and YouTube videos — with AI summaries, speaker detection, and unlimited transcriptions.
Or transcribe another YouTube video here →