Skip to content

Makabansa 3 | Term 2 | Week 6-8 | Pag-uugnay ng Buhay, Panahanan, at Kultura sa Kapaligiran

Tinalakay ang ugnayan ng buhay, panahanan, at kultura sa kapaligiran ng iba't ibang pamayanan sa Pilipinas.

Ask about this video. Answers come from its transcript only — with the timestamp, so you can check them.

Generated from the transcript and can be wrong — check the timestamp.

Key Takeaways

  • Ang kultura, panahanan, at pamumuhay ay nakadepende sa uri ng kapaligiran ng isang komunidad.
  • May dalawang pangunahing uri ng pamayanan sa Pilipinas: rural at urban, na may kanya-kanyang katangian.
  • Ang mga tradisyonal na bahay ay disenyo upang umangkop sa klima at kalikasan ng lugar.
  • Ang urbanisasyon ay nagdulot ng mga bagong uri ng panahanan tulad ng apartment, condominium, at informal settler.
  • Ang paggalang sa pagkakaiba-iba ng kultura at panahanan ay mahalaga sa pagkakakilanlan ng mga Pilipino.

What the video covers

  • Ipinakilala ang konsepto ng pakikiangkop ng kultura, panahanan, at pamumuhay sa kapaligiran.
  • Ipinakita ang dalawang uri ng pamayanan: rural at urban, at ang kanilang pagkakaiba sa kapaligiran at panahanan.
  • Tinalakay ang mga halimbawa ng panahanan sa iba't ibang rehiyon tulad ng bahay na bato sa Batanes at bale ng Ifugao.
  • Ipinakita ang mga uri ng panahanan sa mga pampang at kapuluan tulad ng lepa at stilt house ng mga Badjao sa Tawi-Tawi.
  • Inilahad ang mga uri ng panahanan sa urban na lugar tulad ng apartment, condominium, subdivision, at informal settler sa NCR, Laguna, at Cebu.
  • Ipinaliwanag ang kahalagahan ng kapaligiran sa paghubog ng kultura at pamumuhay ng bawat komunidad.
  • Nagbigay ng mga aktibidad para tukuyin ang tamang uri ng panahanan base sa larawan at pahayag.
  • Pinag-ugnay ang pagkakaiba-iba ng anyong lupa, klima, at likas na yaman sa uri ng panahanan at kabuhayan.
  • Binigyang-diin ang pagpapahalaga sa pagkakaiba-iba bilang bahagi ng pagmamahal sa bansa.
  • Nagbigay ng mga halimbawa ng mga panahanan na angkop sa klima at kalikasan upang mapanatili ang kaligtasan at produktibidad.

Answers

Questions about this video

Ano ang ibig sabihin ng pakikiangkop sa kapaligiran?

Ang pakikiangkop sa kapaligiran ay ang paraan kung paano inaangkop ng mga mamamayan ang kanilang kultura, panahanan, at pamumuhay upang umayon sa kalikasan at klima ng kanilang lugar.

Ano ang pagkakaiba ng pamayanang rural at urban?

Ang pamayanang rural ay may malawak na lupain, maraming halaman, at pangunahing kabuhayan ay pagsasaka o pangingisda, samantalang ang pamayanang urban ay mas siksikan, may matataas na gusali, pabrika, at sentro ng kalakalan.

Ano ang mga halimbawa ng tradisyonal na panahanan sa Pilipinas?

Ilan sa mga halimbawa ay ang bahay na bato sa Batanes, bale ng Ifugao, lepa at stilt house ng mga Badjao sa Tawi-Tawi, na lahat ay disenyo upang umangkop sa kanilang kapaligiran.

Full Transcript — Download SRT & Markdown

00:12
Speaker A
[bell] Hi kids, welcome to Teacher Beth Class TV. Ngayon ay ating tatalakayin ang paksa.
00:30
Speaker A
Pag-uugnay ng buhay, panahanan, at kultura sa kapaligiran ng aming komunidad. Sa araling ito, ating maiuugnay ang kultura sa sariling pagkakakilanlan.
00:44
Speaker A
At makikilala ang uri ng mga pamayanan at maiuugnay ang panahanan o tirahan sa uri ng kapaligiran.
00:53
Speaker A
Handa ka na ba? Bakit mahalagang maiugnay ng mga mamamayan ang kanilang kultura o uri ng kanilang pamumuhay sa kapaligiran?
01:06
Speaker A
Ang Pilipinas ay may iba't ibang anyong lupa at anyong tubig kaya't may pagkakaiba-iba rin ang ating kapaligiran.
01:14
Speaker A
Ang kultura, panahanan, at pamumuhay ng mga mamamayan ay nakadisenyo at iniaangkop nila upang umayon sa kanilang kapaligiran.
01:25
Speaker A
Ito ang tinatawag na pakikiangkop sa kapaligiran. Isang mahalagang bahagi ng ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.
01:37
Speaker A
Narito ang dalawang uri ng pamayanan at panahanan: ang pamayanang rural at pamayanang urban. Ang pamayanang rural ay uri ng pamayanan na may malawak na lupain, maraming halaman, at puno. Ang pangunahing kabuhayan ay pagsasaka o pangingisda.
01:57
Speaker A
Ang pamayanang urban naman ay uri ng pamayanan na binubuo ng maraming taong, matataas na gusali, pabrika, at mga sentro ng kalakalan at negosyo.
02:12
Speaker A
Ang buhay at panahanan sa mga pamayanang rural. Batanes, isa sa mga lalawigan sa Rehiyon 2 o Lambak ng Cagayan. Ang Batanes ay may malalawak na burol at malinaw na tubig dagat. Subalit madalas itong daanan ng malalakas na bagyo kung kaya't ang
02:34
Speaker A
kanilang panahanan ay naaangkop sa kapaligiran. Ang kanilang mga bahay ay gawa sa bato o tinatawag na bahay na bato. Bahay na gawa sa makakapal na bato at may maliliit na bintana. Ang makapal na pader ay nagbibigay proteksyon laban sa
02:52
Speaker A
hangin at ulan. Ang maliliit na bintana naman ay pumipigil sa pagpasok ng malakas na hangin. Ang kanilang pamumuhay dito dahil nga madalas itong daanan ng bagyo ay ang pagtatanim ng mga halamang ugat gaya ng ube, kamote, taro, bawang, at sibuyas. Ito ang mga pananim
03:13
Speaker A
na hindi madaling masira kahit may bagyo. Ifugao mula sa Cordillera Administrative Region o CAR. Ang Ifugao ay may malalawak na taniman at matataas na puno. Bulubundukin at napakalamig ng klima rito. Kung kaya naman ang kanilang panahanan ay naaangkop dito. Ito ang bale.
03:39
Speaker A
Bahay na nakatayo sa apat na matataas na poste na may 10 hanggang 12 talampakan ang taas. Bale ay gawa sa kahoy at kugon. Walang pako o turnilyo at matibay laban sa lindol at bagyo.
03:55
Speaker A
Wala rin itong bintana. Ang disenyo nito ay nagpapanatili ng init sa loob para labanan ang lamig. Pagsasaka naman ang kanilang ikinabubuhay dito. Pagsasaka sa mga hagdan-hagdang palayan.
04:13
Speaker A
Tarlac. Isa sa mga lalawigan sa Rehiyon 3 o Gitnang Luzon. Ang Tarlac ay isang malawak na kapatagan. Mainit ang klima, angkop sa pagsasaka. Kaya naman ang kanilang panahanan ay angkop sa kanilang kapaligiran. Karaniwang gawa sa kahoy, kawayan, at bubong na kugon o yero. Ang
04:35
Speaker A
mga bintana ay malalaki upang makapasok ang hangin at mapalamig ang loob ng bahay. Pagsasaka o pagtatanim ng palay, gulay, mais, at iba pang pananim na pangkabuhayan ang kanilang ikinabubuhay.
04:53
Speaker A
Mula naman sa Mindanao ang lalawigan ng Tawi-Tawi kabilang sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
05:03
Speaker A
Ito ay ang mga pangkat etnikong Badjao. Tawi-Tawi ay nasa kapuluan at napapaligiran ng dagat kung kaya naman napakaangkop ng kanilang panahanan. Lepa ang tawag sa kanilang panahanan o tahanan. Isang bahay na bangka na lumilipat-lipat sa dagat kung saan
05:22
Speaker A
pwedeng mangisda. Gayundin mayroon din silang tahanang tinatawag na stilt house. Bahay na nakatayo sa mga posteng kawayan sa ibabaw ng tubig. Ang salitang Badjao ay mula sa wikang Malay na nangangahulugang taong dagat o kilala sa tawag na sea gypsies ng Pilipinas.
05:43
Speaker A
Pangingisda at pagbebenta ng huli mula sa dagat ang kanilang pangunahing kabuhayan. Narito naman ang mga buhay at panahanan sa mga pamayanang urban.
05:59
Speaker A
National Capital Region o NCR. Ang NCR ay isang halimbawa ng pambansang lungsod. Sa rehiyong ito, siksikan ang mga tao at limitado ang lupang matitirhan. Dahil narito ang pinakamalaking populasyon sa Pilipinas. May matataas at malalaking gusali at maraming sasakyan din ang
06:20
Speaker A
makikita rito. Ang kanilang pangunahing panahanan ay tinatawag na apartment at kondominium. Ito ay mataas na gusaling maraming palapag upang magkasya ang maraming pamilya sa iisang lote. Mayroon din namang tinatawag na informal settlers. Sila ang mga walang sariling lupa kaya nakatira sa magkakadikit na
06:43
Speaker A
mumunting bahay na gawa sa plywood at pinagtagping yero, kahoy, at karton o ang tinatawag nilang barong-barong.
06:53
Speaker A
Marami namang ikinabubuhay ang mga tao dito sa NCR gaya ng paggawa, kalakalan, pagtatrabaho sa mga opisina, establisyemento, serbisyo, at marami pang iba.
07:06
Speaker A
Laguna, isa sa mga lalawigan ng Rehiyon 4A o Calabarzon. Ang Laguna ay isang pamayanang industriyal sapagkat narito ang mga malalaking planta o pagawaan ng iba't ibang produkto gaya ng sasakyan, soft drinks, computer, lapis, tinapay, at iba pa. Ang panahanan nila dito ay
07:29
Speaker A
tinatawag na subdivision. Mga bahay na gawa sa semento at bato na magkakatabi sa mga planadong pamayanan. Ang pamumuhay nila dito dahil ito ay isang pamayanang industriyal ay paggawa, kalakalan, pagtatrabaho sa mga opisina, pabrika, at serbisyo.
07:49
Speaker A
Mula naman sa rehiyong Visayas ang lungsod ng Cebu mula sa Rehiyon 7 o Visayas. Ang Cebu ay sentro ng kalakalan. Maraming malalaking pamilihan, negosyo, bangko, restaurant, at mga paaralan. Maraming nakatira sa mga kondominum na malapit sa kanilang pinagkukunan ng ikinabubuhay tulad ng mga
08:13
Speaker A
negosyo at paaralan. Kung kaya naman ang kanilang pamumuhay din dito ay pagnenegosyo. Muli, ating tandaan, ang kapaligiran, panahanan, at kultura ay magkakaugnay.
08:30
Speaker A
Ang bawat komunidad sa Pilipinas ay may natatanging anyong lupa, klima, at likas na yaman. Kaya nagkakaiba rin ang kanilang paraan ng pamumuhay, uri ng bahay, at hanapbuhay.
08:44
Speaker A
Pagkakayahang umangkop sa kapaligiran ang dahilan kung bakit nananatiling ligtas, produktibo, at natatangi ang bawat pamayanan.
08:54
Speaker A
Ang paggalang at pagpapahalaga sa pagkakaibang ito ay nagpapakita ng pagmamahal sa ating bansa at mayaman.
09:09
Speaker A
[musika] [musika] Tukuyin ang panahanan o tirahan na nasa larawan. Maaari mo ring isulat ang iyong mga sagot sa iyong paderno.
09:31
Speaker A
Narito ang iyong mga pagpipilian: Lepa, Bale, Stilt House, Bahay na Bato, Condominium, Apartment, Subdivision, Informal Settler, at narito ang apat na larawan.
09:51
Speaker A
Alamin ang tamang sagot. Para unang larawan ito ay lepa. Ikatlo ito ay apartment. Narito naman huling apat na larawan.
10:21
Speaker A
Ngayon alamin natin ang mga tamang sagot. Ang unang larawan ay lepa. Ang ikalawa naman ay informal settler.
10:32
Speaker A
Ang ikatlo ay condominium at ang panghuling larawan ay subdivision. Tukuyin ang tamang sagot na inilalarawan sa bawat pahayag. Maaari mo ring isulat ang iyong mga sagot sa iyong kwaderno.
11:04
Speaker A
Narito ang iyong mga pagpipilian: A. Lepa, B. Bale, C. Stilt House, D. Bahay na Bato, E. Informal Settler, F. Batanes, G. Apartment, H. Condominium, I. Pamayanang Urban, J. Pamayanang Rural. Narito ang mga pahayag mula sa bilang isa hanggang apat.
11:37
Speaker A
Alamin natin ang mga tamang sagot. Bilang isa, ito ang tawag sa bahay-bangka ng mga Badjao na kanilang tinitirhan at ginagamit sa paglipat-lipat ng lugar sa dagat. Ito ay lepa. Bilang dalawa, ito ang uri ng pamayanan na binubuo ng maraming tao,
12:00
Speaker A
matataas na gusali, pabrika, at mga sentro ng kalakalan at negosyo. Ito ay pamayanang urban. Bilang tatlo, ito ang lalawigan sa hilaga ng bansa kung saan ang mga bahay ay may makakapal na pader na bato at maliliit na bintana upang makaiwas sa
12:23
Speaker A
malalakas na bagyo. Ang tamang sagot ay F. Batanes. Bilang apat, ito ang tawag sa tradisyonal na bahay ng mga Ifugao na nakatayo sa matataas na poste. Ang tamang sagot ay bale.
12:43
Speaker A
Narito naman ang mga pahayag mula sa bilang lima hanggang pito. Alamin natin ang mga tamang sagot.
12:54
Speaker A
Bilang lima, ito ang tawag sa bahay na nakatayo sa mga poste sa ibabaw ng tubig na tirahan ng ilang Badjao sa kasalukuyan.
13:05
Speaker A
Tamang sagot ay stilt house. Bilang anim, ito ang uri ng pamayanan na may malawak na lupain, maraming halaman at puno, at ang pangunahing kabuhayan ay pagsasaka o pangingisda.
13:21
Speaker A
Ito ay J. pamayanang rural.
13:45
Speaker A
Narito naman ang mga pahayag mula sa mga huling bilang hanggang 10. Alamin natin ang mga tamang sagot.
13:57
Speaker A
Bilang walo, ito ang tradisional na bahay ng mga Ivatan sa Batanes na gawa sa makakapal na bato at may maliliit na bintana. Ang tamang sagot ay bahay na bato D. Bilang shop, ang mga tahanan ay nasa mataas na gusali na maraming unit
14:16
Speaker A
sa bawat palapag. Ito ay age condominium. At bilang 10, magkakadikit ang mga tahanang ito na nakatayo sa iisang lote para mas maraming pamilya ang makatira. Ito ay G Apartment.
14:38
Speaker A
[musika] Basahin ang bawat tanong. o pahayag. Piliin ang tamang sagot. Maaari mo ring isulat ang iyong mga sagot sa iyong paderno.
14:56
Speaker A
Ano ang tawag sa kakayahan ng tao na baguhin ang kanyang paraan ng pamumuhay upang umayon sa kanyang kapaligiran? A.
15:06
Speaker A
Paglalakbay. B. Pakikiakop. C. Pagdiriwang D. Paglalaro. Ang tamang sagot ay B. Pakikiangko. Madalas daanan ng malalakas na bagyo ang lugar nina Ben. Anong uri ng bahay ang pinakaangkop nilang itayo? A. Bahay na yari sa vel. B. Bahay na gawa sa
15:30
Speaker A
salamin. Chay na yari sa kanton. D bahay na gawa sa makakapal na bato. Ang tamang sagot, bahay na gawa sa makakapal na bato. D Anong uri ng pamayanan ang may malalawak na bukirin? Pangunahing hanapbuhay ay pagsasaka. A urban, B rural, C
15:56
Speaker A
industrial Dersyal. Ito ay ang pamayan rural B. Si Angela ay nakatira sa ipugaw. Araw-araw ay tumutulong siya sa pagtatanim ng palay sa hagdan-hagdang palayan. Saan siya nakatira? A. Lambak ng Cagayan. B. Calabar zon. C.
16:22
Speaker A
Cordillera administrative region o car. D. Gitnang Luzon. Cordillera administrative region o car. Nakatira angir tabi ng dagat sa tawi-tawi. Ang kanilang pangunahing hanapbuhay ay pangingisda. Sila ay kabilang sa anong pangkat? A Iatan, B.
16:50
Speaker A
Badiao Cugacao Dita. Sila ay kabilang sa pangkat ng Bado. B. Lumipat ang pamilya ni Rowena sa Quezon City dahil maliit ang lupa at maraming tao sa condominium sila tumira. Bakit maraming condominium sa lungsod? A.
17:13
Speaker A
Maraming mayayaman sa lungsod. B. Maraming bata at matatanda. C. Konti lang ang naniniraan sa lungsod. D.
17:22
Speaker A
Limitado ang espasyo ngunit maraming naninirahan. Ang tamang sagot ay D. Limitado ang espasyo ngunit maraming naninirahan.
17:36
Speaker A
Nakatira si Giana sa Batanes. Madalas dumaan ang malalakas na bagyo sa kanilang lugar kaya ang kanilang bahay ay gawa sa makakapal na bato. May maliliit na bintana at bubong na kugon.
17:49
Speaker A
Anong katangian ang ipinapakita ng ganitong uri ng panahanan? A. Matibay at magastos ang paggawa. B. Iniangkop sa klima at kapaligiran ng lugar. C.
18:02
Speaker A
Katulad ng mga bahay sa malalaking lungsod. D. Madaling itayo bilis matapos. Ang tamang sagot ay B. Iniangkop sa klima at kapaligiran ng lugar.
18:18
Speaker A
Sa ifugaw, malamig ang klima sa buong taon. Ang bahay na tinatawag na bali ay may desenyong nakasarado gawa sa makakapal na kahoy. Ano ang pangunahing layunin ng ganitong estruktura? A. Upang maging magandang tignan. B. Upang magsilbing imbakan ng mga pananim. Cang
18:40
Speaker A
mapanatili ang init sa loob ng bahay. D upang hindi maabot ng mga hayop. Ang tamang sagot ay C. Upang mapanatili ang init sa loob ng bahay.
18:56
Speaker A
Ang pamilya ni Mang Juan ay nakatira sa tatlak kung saan malawak ang kapatagan at mainit ang panahon. Ang kanilang bahay ay gawa sa kawayan at kahoy na may malalaking bintana. Bakit ito ang angkop na disenyo para sa kanila? A. upang
19:13
Speaker A
mabilis masira kapag gustong lumipat. B, upang makapasok ang hangin at maging presko ang loob. C dahil ito lamang ang materyales na mabipili sa palengke. D, upang madaling linisin araw-araw.
19:31
Speaker A
Ang tamang sagot ay B. Upang makapasok ang hangin at maging presko ang loob. Ang mga badsaw ay kilala bilang mga taong dagat.
19:43
Speaker A
Noong una sila ay gumagamit ng lepa o bahay bangka bilang tirahan. Paano ito umangkop sa kanilang pamumuhay?
19:52
Speaker A
A. Madali itong ibenta kapag kailangan ng pera. B. Hindi ito nasisira kahit anong mangyari. C. Mas matibay ito kaysa sa bahay na gawa sa bato. D. Maaari itong ilipat-lipat sa mga lugar kung saan may mahuhuling isda.
20:14
Speaker A
Ang tamang sagot ay D. Maaari itong ilipat-lipat sa mga lugar kung saan may mahuhuling isda.
20:23
Speaker A
Sa lungsod ng Maynila, maraming tao at limitado ang bakanteng lupa. Maraming pamilya ang nakatira sa mga apartment at condominium. Ano ang mabuting dulot nito sa kanilang sitwasyon? A. Mas malawak ang espasyo ng bawat pamilya. B. Mas mura ang buwis na ibinabayad sa
20:42
Speaker A
pamahalaan. C. Maraming pamilya ang makakatira sa iisang maliit na bahagi ng lupa. D. Hindi na kailangang magkaroon ng sariling kusina.
20:56
Speaker A
Ang tamang sagot ay C. Maraming pamilya ang makakatira sa iisang maliit na bahagi ng lupa.
21:04
Speaker A
Napansin ni Anna Lisa na sa kanyang baryo sa batanes, mga halamang uglat tulad ng ube at kamote ang pangunahing itinatanim.
21:14
Speaker A
Bakit ito ang pinipili nilang pananim? A. Ito ang pinakamasarap na pagkain para sa kanila. B. Hindi ito madaling masira kahit dumaan ang malalakas na bagyo. C.
21:27
Speaker A
Ito lamang ang binibigay ng pamahalaan. D. Mabilis itong lumaki kaysa sa ibang pananim. Ang tamang sagot ay B. Hindi ito madaling masira kahit dumaan ang malakas na bagyo.
21:45
Speaker A
Si Richard ay isang informal settler na nakatira malapit sa ilog. Tuwing umuulan ng malakas, bumabaha agad sa kanilang lugar at tumatagos ang tubig sa kanilang bahay na gawa sa magagaan na materyales.
22:00
Speaker A
Ano ang mahirap na sitwasyong kanyang kinakaharap? A. Mahirap silang makakuha ng malinis na tubig. B. Hindi sila makapagtanim ng gulay sa paligid. C. Mahirap umangkop dahil nasa delikadong lugar ang kanilang hirahan. D. walang malapit na paaralan at ospital.
22:24
Speaker A
Ang tamang sagot ay C. Mahirap humangkop dahil nasa delikadong lugar ang kanilang tirahan. Sa lungsod ng Santa Rosa, Laguna.
22:35
Speaker A
Maraming pabrika at pagawaan. Ang mga tao rito ay nakatira sa mga subdivisyon at malalaking gusali. Sa anong uri ng pamayanan nabibilang ang lugar na ito?
22:47
Speaker A
A. Pamayanang rural. B pamayan agrikultura C. Pamayan industrial D. Pamayan tabing dagat. Ang tamang sagot ay pamayan industrial C.
23:04
Speaker A
Lumipat si Ley at ang kanyang pamilya mula sa pamumuhay sa dagat patungo sa pagtira sa mga bahay na nakatayo sa matataas na cost malapit sa baybayin.
23:16
Speaker A
Ano ang tawag sa ganitong uri ng tirahan? A. Bahay na bato. B ste house Day bangka.
23:31
Speaker A
P house magkaibang lugar ang isa ay puno ng bukirin at kabundukan at ang isa naman ay puno ng matataas na gusali at maraming sasakyan ang pangunahing pagkakaiba ng dalawang pamayanang ito? A. Sa uri ng kapaligiran, kabuhayan at pamumuhay ng
23:54
Speaker A
mga tao. B. sa kulay ng mga bahay na itinatayo. C sa dami ng mga bata sa bawat pamilya.
24:03
Speaker A
D sa uri ng relihiyong sinusunod na mga tao. Ang tamang sagot ay a. sa uri ng kapaligiran, kabuhayan at pamumuhay ng mga tao.
24:17
Speaker A
Sa paglipas ng panahon, ang ilang tradisyonal na gawain tulad ng pagtutulungan o bayanihan ay unti-unting nagbabago sa mga malalaking lungsod. Ano ang pangunahing dahilan nito? A. Wala nang nais tumulong sa kapwa. B.
24:33
Speaker A
Ipinagbawal na ito ng batas. C: Wala ng sapat na oras para sa mga gawaing ito.
24:40
Speaker A
D. Nagbabago ang pamumuhay at kultura ayon sa pangangailangan ng kapaligiran. Ang tamang sagot ay D. Nagbabago ang pamumuhay at kultura ayon sa pangangailangan ng kapaligiran.
24:58
Speaker A
Sa kabila ng pagkakaiba ng uri ng panahan at pamumuhay sa iba't ibang panig ng Pilipinas, ano ang ipinapakita nito tungkol sa mga Pilipino? A.
25:10
Speaker A
Matalino at marunong makibagay sa anumang kalagayan ng kalikasan. B. Mahilig gumawa ng magkakaibang istilo ng bahay. C walang iisang paniniwala at kultura.
25:25
Speaker A
gusto mga lugar na mahirap tirahan. Ang tamang sagot ay a matalino at marunong makibay sa anumang kalagayan ng kalikasan.
25:55
Speaker A
[musika] Thank you for joining me. and gr together [musika] subscri like and தேங்க்யூ
Topics:kulturapanahanankapaligiranpamayananruralurbanbahay na batobalelepapakikiangkop

Get More with the SozAI App

Transcribe recordings, audio files, and YouTube videos — with AI summaries, speaker detection, and unlimited transcriptions.

Or transcribe another YouTube video here →