Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere | NoypiTV

Full Transcript — Download SRT & Markdown

00:00
Speaker A
Magandang araw, sa video na ito, tatalakayin natin ang kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal.
00:09
Speaker A
Ito ang nobelang nagmulat sa mga mata ng ating mga ninuno sa pang-aabuso at katiwalian ng mga Espanyol at nagsilbing inspirasyon sa pagnanais na lumaya.
00:19
Speaker A
Bakit nga ba isinulat ni Rizal ang nobelang ito?
00:23
Speaker A
Ano ang mga pinagdaanan niya upang maisakatuparan ang akdang ito? At paano ito naging mitsa ng ating himagsikan?
00:31
Speaker A
Sama-sama nating tuklasin ang kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere. Ang nobelang hindi lang basta kwento, kundi isang malalim na pagninilay sa ating kasaysayan at pagkatao bilang mga Pilipino.
00:46
Speaker A
Simulan na natin!
00:49
Speaker A
Ang "Noli Me Tangere" ay ang kauna-unahang nobela ni Dr. Jose Rizal na ang buong pangalan ay Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda.
00:59
Speaker A
Siya ay anak nina Francisco Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Alonso Realonda y Quintos.
01:46
Speaker A
Ipinanganak siya noong Hunyo 19, 1861, sa Calamba, Laguna.
01:53
Speaker A
Siya ay nag-aral ng medisina sa Maynila at noong Mayo 1882 ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Espanya, sa Universidad Central de Madrid. Sa bansang iyon niya isinulat ang kanyang unang nobela na "Noli Me Tangere."
02:11
Speaker A
Si Rizal ay magdadalawampu't apat na taong gulang ng kanyang sinimulang isulat ang nobelang ito.
02:18
Speaker A
Inihahandog niya ito sa Inang-Bayan at inilalarawan nito ang kanser ng lipunan sa ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol.
02:26
Speaker A
Ang pamagat na "Noli Me Tangere" ay isang salitang Latin na nangangahulugang, "Huwag mo akong salingin," mula sa Ebanghelyo ni San Juan 20:13-17.
03:20
Speaker A
Ang bersong ito ay tumutukoy sa pahayag ni Hesu-Kristo kay Maria Magdalena na huwag siyang hawakan sapagkat hindi pa siya nakaaakyat sa kanyang Ama.
03:29
Speaker A
Nagkaroon ng inspirasyon si Rizal na sumulat ng "Noli Me Tangere" matapos mabasa ang tatlong aklat: ang "The Wandering Jew" ni Eugene Sue, "Uncle Tom's Cabin" ni Harriet Beecher Stowe, at ang "Biblia".
03:44
Speaker A
Ang "The Wandering Jew" ay kwento ng isang lalaking kinutya si Hesus habang papunta sa Golgota at pinarusahan upang maglakad nang walang tigil sa buong mundo.
03:54
Speaker A
Samantala, ang "Uncle Tom's Cabin" ay tungkol sa pagmamalupit ng mga puting Amerikano sa mga aliping Negro.
04:02
Speaker A
Ang mga aklat na ito ay nagbigay kay Rizal ng ideya na lumikha ng isang nobelang maglalarawan sa pang-aapi ng mga Kastila sa mga Pilipino at gigising sa damdaming makabayan ng kanyang mga kababayan.
04:16
Speaker A
Bago matapos ang taong 1884, sinimulan ni Rizal ang pagsusulat ng "Noli Me Tangere" sa Madrid.
05:05
Speaker A
Sa simula, binalak niyang makipagtulungan sa kanyang mga kaibigang Pilipinong manunulat na nasa Madrid tulad nina Pedro, Maximo, at Antonio Paterno; Graciano Lopez Jaena, Evaristo Aguirre, Eduardo de Lete, Julio Lorente, at Valentin Ventura.
05:24
Speaker A
Ngunit dahil hindi sila nagbigay ng kontribusyon sa nobela, napagpasyahan ni Rizal na tapusin itong mag-isa.
05:31
Speaker A
Pagkatapos ng kanyang pag-aaral sa Universidad Central de Madrid, nagtungo siya sa Paris noong 1885, kung saan ipinagpatuloy niya ang pagsusulat at natapos ang sangkapat o 3/4 na bahagi ng nobela.
05:48
Speaker A
Natapos naman niya ang huling bahagi ng "Noli Me Tangere" sa Alemanya noong Pebrero 21, 1887.
05:57
Speaker A
Naging malaking pagsubok para kay Rizal ang pagpapalimbag ng kanyang nobela dahil sa kakulangan sa pondo.
06:45
Speaker A
Dahil madalas na hindi kaagad dumadating ang ipinapadalang pera ng kanyang kapatid na si Paciano, nagtitiis siya sa gutom at minsan ay kumakain lamang ng dalawang beses sa isang araw upang makatipid. Ang kakulangan ng salapi ay muntik nang maging dahilan ng hindi pagkakaimbag ng nobela.
07:05
Speaker A
Sa kabutihang-palad, tinulungan siya ng kanyang kaibigang si Dr. Maximo Viola na nagpahiram ng P300 para sa pagpapalimbag ng 2,000 sipi sa Berliner Buchdruckrei-Action-Gesselschaft, sa Berlin Alemanya.
07:21
Speaker A
Natapos ang pag-imprenta at lumabas ang nobela noong Marso 21, 1887.
07:29
Speaker A
Matapos mailimbag, ang "Noli Me Tangere" ay hinangaan ng maraming tao, kabilang na ng kaibigan ni Rizal na si Ferdinand Blumentritt, na nagsabing ang nobela ay isinulat sa dugo ng puso.
08:23
Speaker A
Subalit, hindi lahat ay natuwa; marami ring nagalit sa nobela, lalo na ang mga pari. Nanguna si Padre Salvador Font sa pagsusuri ng nobela at noong Disyembre 28, 1887 ay ipinagbawal ang pagpapakalat nito sa Pilipinas dahil umano sa subersibong nilalaman nito.
08:43
Speaker A
Samantala, sa kanyang liham kay Ferdinand Blumentritt, ipinaliwanag ni Rizal ang mga layunin sa pagsulat ng "Noli Me Tangere".
08:52
Speaker A
Ito ay upang: Ipagtanggol ang mga Pilipino laban sa paninirang-puri ng mga Kastila.
08:58
Speaker A
Ilahad ang tunay na kalagayang panlipunan, pamumuhay, at mga paniniwala ng mga Pilipino.
09:05
Speaker A
Ilantad ang maling paggamit ng relihiyon para sa pansariling kapakinabangan ng mga namumuno.
09:11
Speaker A
Ilahad ang pagkakaiba ng tunay at huwad na relihiyon.
09:16
Speaker A
Mailantad ang kasamaan at pagpapaibabaw na itinatago sa likod ng kapangyarihan ng pamahalaan. Mailarawan ang mga kamalian, masasasamang gawi, at kahirapan ng buhay ng mga Pilipino.
10:08
Speaker A
Sa kabila ng babala ng kanyang mga kaibigan at pamilya, bumalik si Rizal sa Pilipinas upang alamin ang epekto ng kanyang nobela.
10:17
Speaker A
upang maoperahan ang kanyang ina sa lumalalang katarata, at upang malaman ang dahilan kung bakit hindi tinugon ni Leonor Rivera ang kanyang mga liham mula taong 1884-1887.
10:32
Speaker A
Ikinatuwa ng kanyang pamilya ang pagbabalik niya, subalit puno rin ng pangamba dahil sa posibleng panganib na dala ng kanyang mga kaaway.
10:41
Speaker A
Nang ipatawag siya ni Gobernador Heneral Emilio Terrero sa Malacañang, tinanong siya tungkol sa subersibong nilalaman ng kanyang nobela, ngunit ipinahayag ni Rizal na tanging katotohanan lamang ang inilahad niya sa kanyang akda.
10:56
Speaker A
Dahil sa lumalaking banta sa kanyang kaligtasan at sa kanyang pamilya, pinaalalahanan si Rizal na lisanin muli ang Pilipinas.
11:44
Speaker A
Umalis siya noong ikatlo ng Pebrero, 1888.
11:51
Speaker A
Sa kanyang paglalakbay sa ibang bansa, ipinagtanggol niya ang "Noli Me Tangere" laban sa mga kritiko sa pamamagitan ng mga akdang "La Vision del Fray Rodriguez" at "Por Telefono," na tumutuligsa sa mga pari na sina Padre Jose Rodriguez at Padre Salvador Font.
12:11
Speaker A
Ang "Noli Me Tangere" ay hindi lamang isang nobela kundi isang makasaysayang akda na nagmulat sa mga Pilipino tungkol sa pagmamalupit ng mga Kastila.
12:21
Speaker A
Naging daan ito upang ipakita ang katotohanan, ilantad ang kanser ng lipunan, at isulong ang damdaming makabayan.
12:29
Speaker A
Ang akdang ito ni Rizal ay isang malaking kontribusyon sa paggising ng diwa ng kalayaan at pagmamahal sa bayan ng mga Pilipino.
12:38
Speaker A
At diyan nagtatapos ang kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.
13:24
Speaker A
Kung nakatulong sa iyo ang video na ito, huwag kalimutang mag-like, mag-subscribe, at i-click ang notification bell para lagi kang updated sa mga susunod naming videos. Hanggang sa muli, maraming salamat sa panonood.

Get More with the Söz AI App

Transcribe recordings, audio files, and YouTube videos — with AI summaries, speaker detection, and unlimited transcriptions.

Or transcribe another YouTube video here →