Speaker A
Okay, pagdating naman sa expectation, eto na tayo, mas malala ito, ang babae ay dapat lagi lang nasa bahay, sumusunod lang, kasi nga 'di ba, hindi nagdedesisyon, actually 'yun 'yung reason bakit hindi pwedeng bumoto ang mga kababaihan noon, okay, 'yun naman 'yung inilaban na, so susunod ka lang, huwag kang mag-assert, 'di pwedeng mag-decide, kasi hindi ka nag-iisip, sa lalaki naman, kailangan lagi kang matalino, kasi nga ikaw 'yung expected na nag-iisip, sa kanila napupunta 'yung mga best parts of everything, sa isda, sa manok, lahat sa kanila, boys are expected not to cry, remember, hindi naman kasi sila nakakaramdam, dapat hindi mo rin pinagtatrabaho ng mabigat ang babae, ayan, sarado natin siya ha, para kumpleto ang demo.