JULIANA DE DIOS

Full Transcript — Download SRT & Markdown

00:01
Speaker A
Ano ang kayang hamakin ng pagmamahal mo?
00:06
Speaker A
Wala na sigurong hihigit pa sa pagmamahal na mayroon ako para sa aking ama.
00:13
Speaker A
Sa aking kasintahan at sa aking bayang sinilangan, sa bayan kung saan ako ninakawan ng puri at dangal.
00:24
Speaker A
Hindi ko na alam ang nararapat kong gawin.
00:30
Speaker A
Nauna si ama ang nawalay sa akin, sinakripisyo ko ang lahat upang tapusin lamang si ama sa mga tulisan na galit sa pera.
00:44
Speaker A
Nagpaalipin ako sa taong mababa ang tingin sa akin na tila ba ako ay isang lapastangan.
00:54
Speaker A
Ngayon, pati si Basilio ay nais ilayo sa akin ng tadhana.
01:03
Speaker A
Si Basilio, si Basilio na walang ibang nais kundi ang kabutihan ng bayang ito, ang aking Basilio.
01:58
Speaker B
Hindi na naman tayo nagkita, mahal ko, bibigyan kita ng masarap na para sa iyo.
02:03
Speaker A
Oh Diyos ko, kung tunay na kabutihan ang nais mo.
02:11
Speaker A
Bakit tila puro pagpapakasakit ang ipinararanas mo sa akin, ano ang iyong dahilan?
02:22
Speaker A
At ako'y iyong pinagkaitan ng kalayaan sa aking sariling bayan, ito ba ang iyong nais?
02:33
Speaker A
Ito ba ang makita akong unti-unting nawawalan ng lakas at tibay ng loob upang harapin ang bawat araw?
03:26
Speaker A
Ito ba ang iyong nais, oh Diyos ko, ang makita akong tila ba kandila na unti-unting nauupos?
03:40
Speaker A
Mataas ang tingin ko sa iyo at sa simbahan ngunit hindi ko inaakalang ikaw mismo ang sisira sa akin.
03:51
Speaker A
Hindi ko kayang harapin ang aking ama na may pinapasan ng pagkakautang, hindi ko kayang harapin ang aking kasintahan habang ramdam ang iyong palad sa aking katawan.
04:07
Speaker A
At mas lalong hindi ko kayang harapin ang aking bayan na may pag-aalinlangan sa aking kakayahang lumaban, mas mabuti pa na tapusin na ang paghihirap na ito ngayon mismo.
05:06
Speaker A
Ako si Juliana de Dios.
05:09
Speaker A
Huli kung tawagin ng nakararami.
05:13
Speaker A
Larawan ng isang Pilipina na kayang hamakin ang lahat para sa kanyang mga minamahal.
05:21
Speaker A
Kahit kapalit pa nito ay sarili, puri, at dangal.

Get More with the Söz AI App

Transcribe recordings, audio files, and YouTube videos — with AI summaries, speaker detection, and unlimited transcriptions.

Or transcribe another YouTube video here →