TV Patrol Playback | January 26, 2026

Full Transcript — Download SRT & Markdown

00:38
Speaker A
Magandang gabi Pilipinas, kapapasok lang na balita, inanunsyo ng International Criminal Court Pre-Trial Chamber na nasa maayos na kalusugan si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:50
Speaker A
Para lumahok sa pre-trial proceedings sa The Hague, The Netherlands kaugnay pa rin ito ng kinakaharap niyang kaso na crimes against humanity. Magsisimulang pagdinig sa kumpirmasyon ng mga kaso sa February 23, 2026.
01:50
Speaker A
Labingwalo ang nasawi habang mahigit 300 ang nailigtas matapos lumubog ang isang pampasaherong barko sa karagatan ng Hadji Mutammad, Basilan kaninang madaling araw.
02:05
Speaker A
Nagpapatrol, Queenie Casimiro.
02:12
Speaker B
Napahagulgol si Soraida nang makita ang larawan ng anim na buwang apo na wala nang buhay.
02:22
Speaker B
Isa ang kanyang apo sa 18 nasawi sa paglubog ng MV Trisha Kerstin 3 sa karagatan ng Baluk-Baluk Island sa Hadji Mutammad, Basilan Lunes ng madaling araw.
02:39
Speaker B
Ligtas naman ang mga magulang ng sanggol pero nawawala pa ang pitong taong gulang nilang kaanak.
02:50
Speaker B
Ang pamilya Kang ay isa lang sa 332 mga pasahero ng MV Trisha Kerstin 3.
02:58
Speaker B
Na naglayag mula sa pier ng Zamboanga kagabi patungong Jolo, Sulu.
03:04
Speaker B
Ayon sa pasaherong si Christopher Villanueva, pasado ala-1:00 ng madaling araw nang tinawagan siya ng kanyang anak na sakay din ng barko.
03:14
Speaker C
Tumawag siya sa akin 1:00 in the morning na yung barko nakakaranas ng distress call.
03:26
Speaker C
Na tumatagilid na yung barko.
03:33
Speaker C
Then after a minute, tumawag siya, 'Dad, I nakasuot ako ng life vest.
03:40
Speaker C
After wise, after 5 minutes, and down the line, wala na talagang tawag.
03:54
Speaker C
Quarter to 4:00, biglang may tumawag sa akin na number na hindi naka-phonebook.
04:06
Speaker C
So doon, siya pa lang tumawag na okay na siya, nasa loob na siya ng barko ng Philippine Coast Guard.
04:16
Speaker B
Nakaligtas din si Kanajaan Amahadul.
04:22
Speaker B
Naubusan na siya ng life vest, nawalan pa siya ng malay habang palutang-lutang sa tubig.
04:31
Speaker D
Ang Coast Guard ang sabi, 'Doon na kayo sa kabila lahat.
04:36
Speaker B
Opo, kasi tumagilid na siya.
04:38
Speaker D
Ang tao nag-panic ng ganun, nagkuha na ng life jacket yung iba.
04:43
Speaker B
Bakit hindi ka nakakuha ng life jacket po?
04:46
Speaker D
Yung life jacket nila puro kwan, sira.
05:09
Speaker B
Sa tala ng Coast Guard, 317 ang nailigtas ng iba't ibang search and rescue teams.
05:18
Speaker B
Kabilang ang mga mangingisda ng Baluk-Baluk Island.
05:26
Speaker B
Karamihan sa mga naisalba ay dinala sa Isabela City, Basilan.
05:34
Speaker B
Habang mahigit 90 ang dinala sa Zamboanga.
05:41
Speaker B
Naging emosyonal naman ang muling pagkikita ng mga pasahero at kani-kanilang pamilya.
05:49
Speaker E
Ngayon, nagbibigay kami ng cash assistance na 5,000.
05:55
Speaker E
Ang gagawin namin ngayon kasi ang ilan, may mga kamag-anak, so nag-assist din ata yung Al-Eson, kino-coordinate sa kanila.
06:05
Speaker B
Mhm.
06:06
Speaker E
Kasi yung mga may kamag-anak na kukuha, confirmed doon sa parent, sa pinapa-release na lang din.
06:14
Speaker B
Mhm.
06:15
Speaker E
After procedure sa Isabela City.
06:19
Speaker B
Inutusan naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang DSWD na asikasuhin ang pangangailangan ng mga biktima at pamilya ng mga nasawi sa trahedya.
06:30
Speaker B
Nanindigan ang Philippine Coast Guard na hindi overloaded ang barko.
06:40
Speaker F
Hindi overloaded kasi yung maximum capacity ng barko is 350.
06:48
Speaker F
Medyo maalon lang talaga that time na yun, malakas yung hangin, biglang sumama yung panahon.
06:58
Speaker B
Nagsagawa naman ng aerial inspection ang Coast Guard sa karagatan ng Baluk-Baluk kung saan napansin ang oil sheen sa dagat.
07:07
Speaker B
Ayon sa PCG, magpapatuloy ang search and rescue operations hanggang ma-account ang lahat ng nawawala.
07:13
Speaker B
Kabilang dito ang 22 anyos na si Cadet Kyle Punsalang, tubong Davao City at apprentice sa barko.
07:20
Speaker B
Ayon sa kanyang pamilya, nag-message si Kyle 12:56 ng umaga at humihingi ng tulong.
07:27
Speaker B
Samantala, sa opisyal na pahayag ng Aleson Shipping Lines na may-ari ng lumubog na barko, sinabi nitong nagpadala agad sila ng mga sasakyang nasa lugar ng matanggap ang distress call.
07:38
Speaker B
Nakikipagtulungan din sila sa Philippine Coast Guard at nagkising-patya sa lahat ng pasahero at kanilang pamilya.
08:32
Speaker A
Nabulabog ang ilang residente ng Barangay Central Signal sa Taguig City nang sugurin ng isang grupo ng mga kabataan ang isa pang grupong nag-iinuman sa kalsada bukod sa pambabato, naghagis din ng Molotov cocktail ang mga nanggulo.
08:54
Speaker A
Yan ang CCTV Patrol ni Christopher Sison.
08:56
Speaker G
Pagkalampas ng ilang metro sa isang bahay sa Cabasaan Street, Barangay Central Signal, Taguig City.
09:06
Speaker G
Bumaba muli sa umaandar pang electric vehicle ang grupo ng mga lalaking ito at sinugod ang mga kabataang nag-iinuman.
09:16
Speaker H
Nagulat na lang po kami, may mga e-bike po na punong-puno ng sakay na puro minor po, mga menor de edad.
09:24
Speaker H
Yung isa po, tinakbo po yung tropa namin, sinaksak po sa ulo.
09:30
Speaker G
Lumayo ang mga nanugod pero isa ang nagsindi ng Molotov cocktail at inihagis sa grupo.
09:38
Speaker G
Nagambala ang mga natutulog na residente.
09:43
Speaker I
Nagbabato, basag ang bote rito.
09:46
Speaker I
Madalas dito.
09:47
Speaker I
Pero siya talaga, hindi ka makatulog dahil nandiyan nga sila, nagsisigawan.
09:53
Speaker G
Hindi na naabutan ng rumesponding barangay security force ang mga nanggulo.
10:00
Speaker G
Na nakita umanong tumakas papunta sa Barangay South Signal.
10:06
Speaker H
Sana po, hindi na din po maulit kasi sobrang aberya na po ng ginagawa nila.
10:12
Speaker G
Hindi na dinala sa ospital ang biktima na daptisan ng patalim sa mukha.
10:19
Speaker G
Pangamba ng mga taga-Cabasaan Street, lalala ang nadalas na rumble sa kanila.
10:25
Speaker G
Kapag hindi napanagot ang mga nanggulo.
10:30
Speaker I
Baka maapektuhan pa yung mga dumadaan o ano kasi wala na naman silang sinasanto pag nag-riot na sila.
10:37
Speaker G
Bukod sa dinalasan ang pagroronda, hinigpitan na umano ng barangay ang pagpapatupad ng curfew ordinance.
10:44
Speaker J
Nagroroving kami, pag nakita namin yung mga kabataan, pinapauwi namin.
10:50
Speaker J
Kasi mayroon ding curfew sa mga minor.
10:54
Speaker J
Alas-10:00 sir ng gabi.
10:56
Speaker G
Ayon sa pulis, menor de edad ang karamihan sa nanggulo.
11:03
Speaker G
Na posibleng isailalim sa kustodiya ng City Social Welfare and Development Office.
11:10
Speaker G
Sa oras na mahuli ng mga opisyal ng barangay.
12:11
Speaker A
Dinampot ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos maaktong sumasabit at sinusubukang buksan ang pintuan ng mga dumaraang sasakyan sa EDSA Buendia sa Makati.
12:26
Speaker A
Nagpapatrol, Jeff Caparas.
12:28
Speaker K
Huwebes ng umaga nang matyempuhan ng ilang motoristang dumadaan sa southbound lane ng EDSA sa may Buendia ang isang lalaking nakasabit sa isang SUV.
12:39
Speaker K
Ayon sa uploader ng video, ilang sasakyan na ang tinangkang sabitan ng lalaki.
12:46
Speaker K
Aniya, dahil peligroso sa lalaki at sa mga motorista ang ginagawa niya, sinita niya ito.
12:54
Speaker L
Pag tingin ko na yung lalaki na yun eh sumasakay doon sa gilid ng sasakyan, pagka humihinto, pumipili ulit ng ibang sasakyan, pinapara tapos sasakay ulit.
13:10
Speaker L
So napansin namin, gumawa na po ako ng paraan para mapigilan, nag-ano na po ako, nag-ingay para mapansin ng ibang mga tao.
13:18
Speaker K
Nang sitahin, tumakbo ang lalaki habang patuloy na nanghahara ng mga sasakyan.
13:25
Speaker K
At sinusubukang buksan ang pinto ng mga ito.
13:30
Speaker K
Sinubukan din niyang umangkas sa isang motorsiklo.
13:34
Speaker K
Nagpatuloy ang habulan hanggang sa rumesponde na ang mga tauhan ng Transportation Department at Metropolitan Manila Development Authority na nagkataong nasa lugar.
13:42
Speaker K
Na-corner nila ang lalaki sa isang gasolinahan.
13:47
Speaker K
Nang tanungin kung bakit tumatakbo, nangangamba umano siya para sa kanyang kaligtasan.
13:55
Speaker L
Ang sabi sa amin, hinahabol daw siya ng mga babae.
14:00
Speaker L
Para daw po bangkay sa may Boni.
14:03
Speaker L
Eh kaya takbo ng takbo.
14:06
Speaker L
Gusto daw siyang ipapatay.
14:09
Speaker L
Eh pinapaliwanag naman namin na wala pong ano, wala pong humahabol sa kanya.
14:15
Speaker K
Ah, okay.
14:16
Speaker L
Kaya pinapakalma namin siya.
14:18
Speaker K
Sumasakyang, sumasakay sa ano.
14:20
Speaker K
Dinala sa Makati City Police Sub-Station 6 ang lalaki, naghintay ng 12 oras ang Makati Police para sa sinumang magrereklamo laban sa lalaki pero walang dumating.
14:31
Speaker M
Kasi baka mamaya meron siyang nabuksan na sasakyan or meron siyang mga nadukutan.
14:39
Speaker M
Kaya siguro siya humahabol.
14:41
Speaker M
Ah, wala naman po so far.
14:43
Speaker K
Wala ring nakitang criminal record at warrant of arrest laban sa lalaki kaya pinakawalan siya ng mga pulis.
14:50
Speaker M
Baka po ang pulis po natin yung makasuhan pag hindi natin siya ni-release sir.
14:59
Speaker M
Pinipilit po namin siyang umalis kasi syempre nag-lapse na po yung reglementary period natin.
15:07
Speaker K
Hinikayat ng Makati Police ang posibleng nabiktima ng lalaki.
15:10
Speaker K
Na makipag-ugnayan sa kanilang himpilan para masampahan sana ng kaukulang reklamo.
17:23
Speaker A
Arestado sa entrapment operation ang lalaking nagkakabit ng dental braces ng walang kaukulang lisensya sa Malvar, Batangas.
17:35
Speaker A
Nagpapatrol, Michael Delizo.
17:37
Speaker N
Anong tinapos mo, kuya?
17:39
Speaker O
Ano?
17:40
Speaker O
Grade 9 lang ako.
17:42
Speaker N
Hm, madiskarte ka din, oh.
17:44
Speaker P
Walang lisensya, hindi rehistrado at hindi nakapag-aral ng pagde-dentista.
17:55
Speaker P
Pero kumpyansang nagkakabit ng dental braces ang 26 anyos na lalaking ito na kanyang DIY o do-it-yourself lang.
18:04
Speaker P
Ang dental procedure, ginawa lang sa loob ng kanyang apartment sa Malvar, Batangas.
18:12
Speaker P
Sa isang shoe rack o lagayan ng sapatos lang niya ipinatong ang ikinakabit na braces.
18:20
Speaker P
Walang gloves at walang anumang sanitary at safety measures.
18:26
Speaker P
Nakaupo lang din sa ordinaryong silya ang kliyente.
18:30
Speaker N
Sa isang araw, ilan yung client mo?
18:34
Speaker O
Sa isang araw, minsan dalawa.
18:39
Speaker N
Ilan?
18:40
Speaker O
Dalawa.
18:41
Speaker N
Dalawa.
18:42
Speaker P
1,800 lang ang bayad na napagkasunduan ng nagpanggap na kliyente.
18:48
Speaker P
Para kabitan siya ng braces.
18:52
Speaker P
Nang matapos ang procedure, dito na sumalakay ang mga operatiba.
18:58
Speaker P
Para arestuhin ang lalaki.
19:01
Speaker N
Hindi nga pinagmumog.
19:03
Speaker N
Diretso lang ng mop, please.
19:06
Speaker N
Dapat may pang-ano ka din, hygiene.
19:09
Speaker N
Ilang taon mo na yang ano, racket?
19:12
Speaker O
Parang ano ko lang din po sa akin, yung para sa akin tapos tinry ko po na try ko po sa sarili ko.
19:18
Speaker N
Last year, madami ka nang post, eh, last year.
19:20
Speaker O
Hindi po, post-post ko lang po yun pero kaunti lang po talaga nagre-reply sa akin.
19:26
Speaker P
Ikinasa ang operasyon mula sa report ng intelligence unit ng Anti-Cybercrime Group.
19:32
Speaker P
Matapos makita na nag-aalok ng serbisyo ang suspect sa social media.
19:38
Speaker P
Napag-alaman din na may nauna nang nakabitan ng DIY braces ang suspect bago ang entrapment operation.
19:45
Speaker P
Bumibili umano ang suspect ng mga gamit sa online shopping sites at may kinukunan din umano siya sa Batangas.
19:52
Speaker P
Kung saan patago ang pagbebenta ng mga materyales.
19:58
Speaker Q
Itong case natin, wala itong background.
20:02
Speaker Q
So natutulog siya.
20:07
Speaker Q
Sa panonood sa social media.
20:12
Speaker P
Ayon sa PNP-ACG, apat na pekeng dentista na ang naaresto ngayong 2026.
20:20
Speaker P
Habang umabot sa 82 ang nahuli noong nakaraang taon.
20:26
Speaker R
Nagpaalala ang pulisya na huwag tangkilikin ang mga indibidwal na nag-aalok ng serbisyo sa ngipin ng walang lisensya.
20:34
Speaker R
Dahil maari itong magdulot ng peligro sa kalusugan at kaligtasan tulad ng impeksyon at komplikasyon.
20:41
Speaker R
Nanawagan din ang PNP na i-report sa kanila ang mga fake o quack dentist.
20:47
Speaker R
Michael Delizo, ABS-CBN News.
22:08
Speaker A
Pinahahaharap ng LTO ang isang content creator sa isang viral road rage video na nakuhanan kasi ang vlogger na tila naghahamon ng away sa ibang motorista.
22:19
Speaker A
Nagpapatrol, Easy Lee.
22:21
Speaker S
Sa viral video na ito, makikita ang isang itim na sasakyan na matulin ang takbo.
22:29
Speaker S
At tila nakikipagsabayan sa isang van.
22:33
Speaker T
Naghahabol talaga.
22:35
Speaker T
Oh, ayan, ginigitgit.
22:37
Speaker T
Ginigitgit niya kami.
22:39
Speaker T
Masama.
22:40
Speaker S
Bumaba ang driver ng itim na sasakyan at lumapit sa van.
22:46
Speaker S
At malakas na kinatok ang bintana nito.
22:50
Speaker A
Agad nag-issue ng show cause order ang Land Transportation Office o LTO sa driver ng itim na sasakyan.
22:59
Speaker A
Na napag-alaman na isang content creator pala.
23:06
Speaker U
Nagpo-provoke siya ng gulo.
23:08
Speaker U
So kinakatok niya, buti na lang yung driver at yung nakasakay sa likod, hindi sila nag-react.
23:15
Speaker A
Dagdag pa ng LTO, hindi umano katanggap-tanggap at hindi nararapat tularan ang inasal ng driver.
23:23
Speaker A
Lalo na't may mga nanonood sa kanyang mga video sa social media.
23:29
Speaker U
Maliwanag, nag-road rage siya doon, eh.
23:32
Speaker U
Na hindi niya dapat ginagawa.
23:35
Speaker U
Kung may kasalanan yung isang sasakyan, picturan niya.
23:40
Speaker U
I-reklamo niya sa amin.
23:42
Speaker A
Sinuspinde na ng LTO sa loob ng 90 araw ang lisensya ng driver.
23:50
Speaker A
At naka-alarma na rin ang sasakyang ginamit nito.
23:53
Speaker A
Ipinatawag na rin ng LTO ang nasabing driver para magpaliwanag sa January 29.
24:00
Speaker A
Sinubukan ng ABS-CBN News na kuhanin ang panig ng content creator.
24:04
Speaker A
Pero wala pa itong tugon.
24:06
Speaker A
Pero sa post sa kanyang social media page, aminado siya na mali ang pagbababa niya ng sasakyan.
24:12
Speaker A
Gayunman, ipinaliwanag niya na may dahilan umano ang kanyang reaksyon dahil nag-cut umano ang isang sasakyan mula sa ikalawang lane.
24:20
Speaker S
Easy Lee, ABS-CBN News.
24:22
Speaker A
Anim na bangkay na ang natagpuan mula sa lumubog na motor bangka sa karagatan ng Davao at Sarangani Province.
24:36
Speaker A
Samantala, nakabalik na sa Maynila ang 15 Pinoy crew na nakaligtas sa tumaob na MV Devon Bay malapit sa Bajo de Masinloc.
24:43
Speaker A
At sa isa pang insidente sa dagat.
24:47
Speaker A
Tatlong tripulante ang nasagip ng Philippine Coast Guard.
24:52
Speaker A
Matapos lumubog ang kanilang bangka sa Caluya, Antique.
24:56
Speaker A
Nagpapatrol, Hernal Tokmo.
25:00
Speaker S
Isang linggo nang umaaligid at hindi humihinto ang mga barko at eroplano ng Philippine Coast Guard at Philippine Navy.
25:07
Speaker S
Sa pag-asang mahanap ang mga sakay ng motor bangka na MBCA Amejara.
25:15
Speaker S
Na lumubog sa karagatan sa pagitan ng Davao at Sarangani Province.
25:20
Speaker S
At sa ika-6 at ika-7 araw ng search and rescue mission, dumating na ang masamang balita.
25:27
Speaker S
Anim na bangkay ang natagpuan at kumpirmadong nagmula sa lumubog na bangka.
25:33
Speaker S
Sabado ng umaga, natagpuan ng isang fishing fleet ang apat na bangkay na magkakatabi kasama ang debris ng bangka.
25:42
Speaker S
16.2 nautical miles mula sa Maitum, Sarangani Province.
25:48
Speaker S
Makalipas ang ilang oras, natagpuan naman ng BRP Tagbuan ang isa pang bangkay.
25:53
Speaker S
Sa layong 68 nautical miles sa timog-kanluran ng bayan ng Kiamba, Sarangani Province.
26:00
Speaker S
Nitoong Linggo, isang bangkay pa ang nahanap sa 43 nautical miles sa Buka Point, Maasim, Sarangani.
26:06
Speaker S
Siyam pang pasahero ng bangka ang hinahanap habang isa naman ang nakaligtas.
26:12
Speaker S
Lumubog ang bangka habang papunta sa isang fishing trip sa Governor Generoso, Davao Oriental noong nakaraang Sabado.
26:18
Speaker S
Patuloy ang imbestigasyon patungkol sa insidente.
26:22
Speaker S
Hindi napigilang maluha at magyakapan ang mga nasagip na tripulanteng Pinoy na ito.
26:30
Speaker S
Nang sila'y mai-turn over ng China Coast Guard sa Philippine Coast Guard nitong Linggo.
26:35
Speaker S
Isinakay sila sa mga rubber boat at sinuong ang malalakas na hampas ng alon para makalipat sa barko ng Pilipinas.
26:42
Speaker S
Dumaong sa port area sa Maynila Lunes ng umaga ang BRP Teresa Magbanua.
26:49
Speaker S
Sakay ang 15 tripulanteng Pinoy na nakaligtas at dalawang nasawi mula sa Singaporean vessel na MV Devon Bay noong Huwebes, January 22 sa bahagi ng Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.
26:59
Speaker S
Ilan sa mga posibleng tinitingnan dahilan ng PCG sa pagtaob ng barko.
27:03
Speaker S
Ang karga nitong nickel ore at masamang panahon.
27:07
Speaker T
The cargo, it was getting around 55,000 tons of nickel ore.
27:15
Speaker T
Nagkaroon ng liquefaction, yung moisture content of the cargo caused the shifting of the weight.
27:25
Speaker T
To the left side of the ship or the port side.
27:29
Speaker T
Kaya siya nag-list.
27:30
Speaker T
And the weather was not good.
27:33
Speaker S
Kininilala naman ng PCG ang kabayanihan ng kapitan ng MV Devon Bay na si Elemar Jucal.
27:39
Speaker S
Na kabilang sa apat pang nawawala.
27:45
Speaker S
Nasa kustodiya naman ng Bureau of Quarantine ang 12 nasawi.
27:52
Speaker S
Habang patuloy ang search and rescue operations para sa apat pang nawawala.
27:58
Speaker S
Samantala, nasagip naman ng mga miyembro ng PCG Antique ang tatlong tripulante ng isang bangka.
28:06
Speaker S
Matapos lumubog sa isla ng Panagatan, Caluya, Antique, Linggo ng hapon.
28:13
Speaker S
Kaagad na nagsagawa ng search and rescue operation ang mga awtoridad matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang post ng netizen na humihingi ng tulong.
28:20
Speaker S
Matagumpay na nasagip ng awtoridad ang tatlong sakay ng bangka.
28:27
Speaker S
Na palutang-lutang sa gitna ng dagat at hinila papunta sa dalampasigan ang lumubog nilang bangka.
28:33
Speaker S
Hernal Tokmo, ABS-CBN News.
28:43
Speaker A
Umarangkada na ang main draw ng Philippine Women's Open, ang kauna-unahang WTA 125 tournament sa bansa.
28:50
Speaker A
Pinaka-inaabangan si Pinay tennis ace Alex Eala.
28:54
Speaker A
Na sasabak sa laban ngayong gabi sa round of 32 ng Women's Singles.
28:59
Speaker A
Nagpapatrol, Paige Javier.
29:02
Speaker S
Bago ang side shuffle at split step, nasubukan muna sa tinikling ang footwork ng ilang kalahok.
29:10
Speaker S
Sa Philippine Women's Open sa kanilang welcome dinner.
29:16
Speaker S
Malapiyesta ang pagsisimula ngayong Lunes ng main draw ng Philippine Women's Open.
29:22
Speaker S
Ang kauna-unahang WTA 125 tournament sa bansa.
29:26
Speaker S
Ilang oras bago magbukas ang Rizal Memorial Coliseum, nakapila na ang mga sabik na Pinoy fans.
29:32
Speaker S
Si two-time UAP champion Elizabeth Abarquez ang unang Pinay na sumabak sa laban sa main draw.
29:40
Speaker S
Pero natalo siya kay Mai Hontama ng Japan, 6-love, 6-love.
29:46
Speaker T
More practice po po kasi medyo mabagal po ako sa court.
29:52
Speaker T
So kailangan po yung ano, follow through.
29:56
Speaker T
Yung movement ko lang po sa court medyo ano, mabagal po.
30:01
Speaker S
Kailangan naman ni Rising Star Tenny Madis mula Cotabato.
30:06
Speaker S
Si Mananchaya Sawang Kaew ng Thailand.
30:12
Speaker S
Si Sawang Kaew ang tinalo ni Alex Eala sa Sea Games para makuha ang gintong medalya sa Women's Singles.
30:20
Speaker S
Main event ang laban ni Pinay tennis ace Alex Eala na gaganapin sa Center Court.
30:26
Speaker S
Si Eala ang number 2 seed ng Philippine Women's Open.
30:32
Speaker S
Siya rin ang inspirasyon para dalhin ang WTA 125 tournament sa Pilipinas.
30:39
Speaker S
Makakaharap ni Eala ang Russian player na si Alina Charaeva na tumalo sa kanya noong 2020.
30:45
Speaker S
Bagamat si Eala ang pinapaborang manalo at may home court at crowd advantage, giit niya, hindi siya magpapakampante.
30:53
Speaker U
I'm just gonna go and I've done everything to prepare to the best of my abilities.
30:59
Speaker U
So I'm gonna go and do my best.
31:02
Speaker S
Makakaharap naman ni K. Ann Emana ang Russian player na si Tatyana Prozorova sa round of 32.
31:09
Speaker S
Samantala, nagpapasalamat sa suporta ng Pinoy fans si Croatian tennis player Donna Vekic.
31:16
Speaker S
Si Vekic ang dalawang beses na tinalo ni Eala ngayong buwan.
31:22
Speaker S
Sa Kuyong Classic, nagbiro pa si Vekic na sana'y suportahan din siya ng mga Pinoy.
31:29
Speaker V
After the match in Kuyong, I said maybe you guys will adopt me and I definitely feel like you have and I have felt the support since coming here.
31:40
Speaker V
That's one of the reasons why I decided to in the end to come here and been really enjoying it so far.
31:49
Speaker S
Bukas ang unang laban ni Vekic kontra Kyoka Okamura ng Japan.
31:52
Speaker S
Tiwala ang Croatian player na magandang simulan ang Philippine Women's Open para mas sumikat pang tennis sa Pilipinas.
31:59
Speaker S
Matapos nito, maraming Pinoy na ang sumusuporta kay Vekic na tinatawag nilang Tita Donna.
32:06
Speaker A
Humakot ng parangal ang Kapamilya programs at stars.
32:10
Speaker A
Sa ika-8 Gawad Lasallianeta Awards.
32:15
Speaker A
Kabilang sa mga pinarangalan ang TV Patrol.
32:24
Speaker A
Nagpapatrol, Daniel Krishnan.
32:29
Speaker W
Puno ng pasasalamat.
32:31
Speaker W
Ang Kapamilya stars sa De La Salle Araneta University students.
32:37
Speaker W
Sa pagkilalang iginawad sa ika-8 taon ng Gawad Lasallianeta 2026, cute na cute na tinanggap ni Zia Grace ang kanyang plaque bilang Most Outstanding Child Star, Most Outstanding Actress in a Lead Role at Most Outstanding Teleserye naman ang It's Okay to Not Be Okay.
33:20
Speaker W
Most Outstanding Supporting Actress naman si Maris Racal.
33:26
Speaker W
Habang Most Outstanding Social Media Personality si Esnyr.
33:30
Speaker W
Wagi rin ang Pinoy Big Brother.
33:34
Speaker W
Bilang Most Outstanding Competition Reality Show.
33:38
Speaker W
At Most Outstanding Competition Show Hosts.
33:42
Speaker W
Kabilang naman sa mga tumanggap ng Zeal Awards.
33:46
Speaker W
Si PBB Celebrity Collab Edition Grand Winner Brent Manalo.
33:50
Speaker W
Panalo namang Most Influential Celebrity at Most Outstanding Brand Endorser si Anne K.
33:54
Speaker W
Ganda, Vice Ganda.
33:57
Speaker W
Tumanggap naman ang It's Showtime ng Most Outstanding Variety Show.
34:01
Speaker W
At Most Outstanding Variety Show Hosts.
34:05
Speaker W
Gino Krishnan, ABS-CBN News.
34:10
Speaker A
Wow, salamat po sa Gawad Lasallianeta, De La Salle Araneta.
34:15
Speaker A
Maraming salamat po.
34:17
Speaker A
Para sa lahat po yun.
34:19
Speaker A
Kasi TV Patrol ang nanalo. So para sa lahat ng naghihirap for TV Patrol. Thank you. At yan ang mga balitang binantayan namin para sa inyo. Tuloy-tuloy ang pagpapatrol sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live at A2Z.
35:00
Speaker A
Ako po si Karen Davila.
35:01
Speaker A
Para sa iba pang balita, mag-log on po sa abs-cbn.com.
35:04
Speaker A
Napakikinggan din ang TV Patrol sa DZMM Radyo Patrol 630.
35:08
Speaker A
Anumang hamon, anumang panahon.
35:10
Speaker A
Tapat kaming maglilingkod.
35:12
Speaker A
Ako po si Bernadette Sembrano.
35:14
Speaker A
At sama-sama pa rin po tayo gabi-gabi sa All TV2.
35:16
Speaker A
Ako naman po si Alvin Elchico.
35:18
Speaker A
Sa ngalan ng ABS-CBN News.
35:20
Speaker A
In the service of the Filipino.
35:22
Speaker A
Maraming salamat at magandang gabi, bayan.

Get More with the Söz AI App

Transcribe recordings, audio files, and YouTube videos — with AI summaries, speaker detection, and unlimited transcriptions.

Or transcribe another YouTube video here →